Thursday , April 25 2024

2 parak tiklo sa extortion

073014 arrest posasCAMP OLIVAS, Pampanga – Arestado ang dalawang pulis sa entrapment operation ng pinagsanib na puwersa ng Investigation and Detection Management Branch (IDMB) ng Angeles City Police (ACPO), at ng Tracker Team makaraan ireklamo ng robbery extortion ng isang Amerikano sa Brgy. Malabanias, Angeles City kamakalawa.

Ayon sa ulat ni Senior Supt. Eden Ugale, Angeles City Police Office (ACPO) director, sa tanggapan ni Chief Supt. Ronald Santos, Acting Police Regional Office-3 (PRO3) director, kinilala ang mga naaresto na sina PO1 Hebren Sicat, 25, ng Brgy. Salapungan, Angeles City, at PO1 Ryan Villanueva, 34, ng Brgy. Camias, Magalang, Pampanga, kapwa nakadestino red light district sa Field Avenue, Angeles City.

Ang mga suspek ay nadakip sa entrapment operation sa Narciso St., Josefa Subd., Brgy. Malabanias ng lungsod na ito makaraan ireklamo  ng isang American tourist na si George Colvin, 73, ng robbery extortion sa halagang P115,000 para sa kasong isinampa sa kanya ng isang menor de edad na nakilala niya sa nasabing lugar.

Leony Arevalo

About hataw tabloid

Check Also

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *