Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Footworks Dance Studio, extension ng personalidad nina Apreal at Rupert

Footworks Dance Studio, extension ng personalidad nina Apreal at Rupert

030515 apreal aubrey troy Footworks

00 SHOWBIZ ms mNAKATUTUWANG may bagon negosyo na namang binuksan ang mag-asawang Rupert Feliciano at Apreal Tolentino, ang Footwork Dance Studio sa Katipunan Avenue, Quezon City.

Si Apreal ay dating Showgirl sa programang Magandang Tanghali Bayan na noontime show ng ABS-CBN at nagpe-perform din sa Wowowillie at ASAP.Bukod sa mga negosyo, kilala na rin si Apreal sa larangan ng Professional Make Up Artists Industry.

Si Rupert naman ay choreographer na anak ng mag-asawang choreographer din na sina Mel Francisco at Ana Feliciano. Isarin siyang kilalang DJ.

Bagamat matagumpay sa kani-kanilang larangan, hindi pa rin mawawala o naaalis ang pagkahilig sa pagsasayaw nina Apreal at Rupert kaya naman nang inaya sila ng kaibigang si Cucuy Elorde, business partner nila at nagmamay-ari ng Elorde Boxing Gym na magbukas ng isang dance studio, hindi na nila pinalampas iyon. Ito nga ang Footwork Dance Studio na unang nagkaroon katuparan sa Elorde Boxing Gym sa Don Antonio, Commonwealth, Quezon City.

Ayon kay Apreal, sa negosyo na siya nag-concentrate pagkatapos niyang mag-showbiz at ang huli niyang serye ay ang Panday na pinagbidahan noon ninaJericho Rosales at Heart Evangelista.

“Naging busy na po ako sa boxing gym (Elorde) sa may Don Antonio Heights, 2007 pa ‘yun, sa Tandang Sora, Lagro, Katipunan, kasosyo po namin ‘yung youngest daughter ng Elorde.

“Magkakaibigan po kami, ‘yung sa Don Antonio Heights, ang magkaka-sosyo sina (Konsehal) Alfred Vargas at mga kaibigan niya, tapos ‘yung bunsong anak ni Elorde na si Kokoy, kasama naman kami, kung baga 50-50 po kami,” ani Apreal.

Layunin ng Footwork Dance Studio na magbigay ng quality dance instruction at magkaroon ng positive teaching approach sa mga dancer of all levels and experience. Nag-o-offer ng Footwork Dance Studio ng Hip Hop; Zumba, Pole Dancing at iba pa at endorser ng nasabing studio ang mag-asawang Aubrey Miles at Troy Montero.

Pamamahalaan naman ang Footwork ng mga accomplished professional teacher tulad nina Jill Ngo, Anna Feliciano, Polecasts Manila, Philippine All Stars, at ngManeuvers.

Bukod sa mga kaibigang ito, suportado rin si Apreal ng kanyang pamilya sa Bellus(o beauty) home care beauty set na ipinamahagi niya sa amin. Maraming salamat.

 

ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top