Monday , September 21 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / It’s my bravest role so far — Maja on her new and daring soap

It’s my bravest role so far — Maja on her new and daring soap

ni Alex Brosas

010915 maja

ACTRESS Maja Salvador acknowledges the fact that women can be moody especially when they have their monthly periods.

“May kanya-kanyang moods ang babae kapag mayroon,” say ni Maja.

“Mayroong malambing, may masungit. Sa lalaki kasi sa isang araw ay sobrang chill lang sila, relax lang. Sa babae, sa isang araw ay lahat ng emosyon yata ay mararamdaman mo. May masaya, may malungkot na wala naming dahilan. Ang mga babae ay may topak talaga, eh, lalo na’t may period,” chika niya sa launching niya bilang Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners image model.

Siya nga ay may kakaibang feeling kapag mayroon siyang period.

“Malungkot (ako) pero hindi ko alam kung bakit ako malugkot. Matindi akong mag-crave. Alam kong magkakaroon na ako ng period kapag nagke-crave na ako ng kung ano-ano,” chika niya, saying na, “last week, nagki-crave ako ng crispy pata. Sa isang buong week ay parang crispy pata ang kinakain ko.”

“Parang ang lungkot ng pakiramdam ko na parang wala namang dapat ikalungkot. Wala lang, parang mababa lang ‘yung energy mo,” dagdag pa niya.

Incidentally, very daring si Maja sa latest ABS-CBN soap niya where she plays a bar star dancer.

“It’s my bravest role so far. Kailangan ng role ko (ang magpaseksi) kasi I play a star dancer.”

“Hindi naman paghububad ‘yon. Naka-costume naman ako roon. Ano siya, para siyang art na kailangan mong dagdagan ng kaunting twist, ng kaunting spice. Kapag napanood n’yo siya, sasabihin n’yo naman na hindi ko ginawa ‘yon dahil nagpapaseksi ako. May kuwento siya, may puso.”

Noong Valentine’s Day ay simple lang ang naging celebration nina Maja at Gerald Anderson.

“Nag-workout lang kami ng umaga, nag-lunch and then pumunta na siya sa airport. Binigyan niya ako ng flowers and love,” chika niya.

 

 

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top