Saturday , April 20 2024

Belmonte pabor na isailalim sa house arrest si Sen. Enrile

071514 JPE enrile hospitalPABOR si House Speaker Feliciano Belmonte na i-house arrest na lamang si Senador Juan Ponce Enrile.

Ayon kay Belmonte, dahil sa edad at lagay ng kalusugan ng senador, mas nais niyang ma-house arrest si Enrile.

Ngunit mas magiging malakas aniya ang hirit kung mismong mga senador ang kikilos para manawagan sa Sandiganbayan.

Sa Kamara, may resolusyon nang inihain upang iapela sa Sandiganbayan na i-house arrest na lamang ang dating Senate Pesident.

Ngunit nilinaw ni Deputy Speaker Giorgidi Aggabao, hindi ito maituturing na pressure sa korte bagama’t umaasa silang mabibigyan ng konsiderasyon.

Nahaharap sa non-bailable na kasong pandarambong dahil sa pork barrel scam si Enrile. 

Huwebes ng madaling araw nang ilipat sa Makati Medical Center mula PNP General Hospital si Enrile makaraan umubo nang may dugo dahil sa pneumonia. 

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *