Monday , September 21 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Apreal, nag-concentrate na sa negosyo; pag-aartista isinantabi muna

Apreal, nag-concentrate na sa negosyo; pag-aartista isinantabi muna

030315 Apreal Tolentino

00 fact sheet reggeeBINUKSAN na ang Footwork Dance Studio sa Katipunan Avenue, Quezon City na pag-aari nina Rupert Feliciano at Apreal Tolentino na rating Showgirl sa programang Magandang Tanghali Bayan na noontime show ng ABS-CBN dati.

Si Patrick ay isang professional DJ at choreographer na anak ng mag-asawang choreographer na sina Mel Francisco at Ana Feliciano.

Kasosyo sina Patrick at Apreal sa lahat ng Elorde Gym na matatagpuan sa Quezon city dahil ang main branch na nasa Sukat, Paranaque City ay pag-aari mismo ng pamilya ng sikat na boksingero.

Ayon kay Apreal, sa negosyo na siya nag-concentrate pagkatapos niyang mag-showbiz at ang huli niyang serye ay ang Panday na pinagbidahan noon nina Jericho Rosales at Heart Evangelista.

“Naging busy na po ako sa boxing gym (Elorde) sa may Don Antonio Heights, 2007 pa ‘yun, sa Tandang Sora, Lagro, Katipunan, kasosyo po namin ‘yung youngest daughter ng Elorde.

“Magkakaibigan po kami, ‘yung sa Don Antonio Heights, ang magkaka-sosyo sina (Konsehal) Alfred Vargas at mga kaibigan niya, tapos ‘yung bunsong anak ni Elorde na si Kokoy, kasama naman kami, kumbaga 50-50 po kami,” bungad kuwento ng dating Showgirl turned businesswoman ngayon.

At dahil bago itong Footwork Dance Studio ay ito naman ang tututukan muna ni Apreal at base naman sa nakita naming location ay madaling puntahan ito ng mga taga-Quezon City dahil along the way lang ng Katipunan.

Ang offer ng Footwork Dance Studio ay Hip Hop; Zumba, Pole Dancing at iba pa at endorser ng nasabing studio ang mag-asawang Aubrey Miles at husband Troy Montero.

Nabanggit din ni Apreal na safe ang studio nila dahil kapag may mga nai-injured ay agaran nilang naipagagamot dahil nasa katapat pinto nila ang rehabilitation center na pag-aari naman ng kaibigan din niya.

“Insured po lahat ng students namin at kapag may mga natapilok o hindi sinasadyang bumagsak, sagot po namin ang pagpapagamot, wala pong sagutin doon ang students. Or anybody na rito nagte-training sa amin,” kuwento ni Apreal.

Sa ikaapat na palapag ang Footwork Dance Studio at nasa ikalima naman ang boxing gym na roon nagsasanay sina Claudine Barretto, KC Concepcion, Liza Soberano at iba pa.

“Nakikita ko po sila roon na nagte-training,” sabi pa.

Samantala, kung hindi pa siguro nabuntis at nanganak na ngayon si Ciara Sotto ay malamang isa siya sa teacher sa mga mag-e-enrol ng pole dancing.

“Matagal na po akong niyayaya ni Ciara na buksan na namin ang Footwork Dance Studio kasi nga gusto rin niyang magturo, eh, inabutan na, at saka kapapanganak kaya wala po siya ngayon,” kuwento pa ni Apreal.

Nagmamadali kaming umalis sa opening ng Footwork Dance Studio kaya hindi na namin nakita ang demo ng tinatawag na anti-gravity yoga na tela ang gamit, ikaw Ateng Maricris, naabutan mo ba? (Hindi rin sayang nga eh, maybe next time puwede nating pasyalan—ED)

 

ni Reggee Bonoan

 

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top