Monday , September 21 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Oh My G, namamayagpag sa ratings

Oh My G, namamayagpag sa ratings

 

ni ROLDAN CASTRO

030215 oh my G

NAMAMAYAGPAG ngayon bilang pinakapinanonood na daytime TV program sa bansa ang feel-good series ng ABS-CBN na Oh My G na pinagbibidahan ng Kapamilya teen star na si Janella Salvador. Patunay dito ang datos mula Kantar Media noong Huwebes (Pebrero 19) kung kailan naging pang-anim sa listahan ng most watched TV shows sa Pilipinas ang Oh My G taglay ang pinakamataas nitong national TV rating na 18%.

Samantala, tiyak na mas kapananabikan ng mga manonood ang pagpapatuloy ng Oh My G ngayong susundin na ni Sophie (Janella) ang payo ni G (God) na gawin ang huling habilin ng kanyang ama na si Paul (Eric Quizon) na hanapin ang misteryosong babaeng nagngangalang Anne Reyes. Ano nga ba ang mayroon kay Anne at bakit itinatago ng kanyang tiyuhin na si Santi (Dominic Ochoa) ang katotohanan tungkol sa pagkatao nito? Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng feel-good drama series na magtuturo ng kahalagahan ng pananalig sa Diyos, Oh My G, araw-araw bago mag-It’s Showtime sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN.

 

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top