Friday , April 19 2024

62-anyos ina tinangkang halayin ng anak

021415 shabu praning

DETENIDO sa piitan ng Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan ang isang 27-anyos lalaki makaraan tangkaing halayin ang kanyang 62-anyos ina sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Gumaok Central sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 3 p.m. kamakalawa habang mahimbing na natututog sa kanyang silid ang biktimang si Emily Lozada nang pumasok ang suspek na si Roberto Lozada na tinakpan ng unan ang mukha ng ina.

Pagkaraan ay hinubad ng suspek ang kanyang suot na short pants at underwear saka kinubabawan ang ina.

Ngunit nakita ang insidente ng nakababatang kapatid ng suspek kaya agad humingi ng tulong sa pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa salarin.

Hinihinalang nasa impluwensiya ng bawal na droga ang suspek kaya napagtripang halayin ang sariling ina.

(DAISY MEDINA)

 

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Department of Agriculture

Para sa seguridad sa pagkain
PH GOV’T DAPAT MAGPONDO SA MODERNISASYON NG AGRI

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na mamuhunan sa modernisasyon ng agrikultura at pagpapaunlad …

marijuana

P.6-M tsongki nasamsam sa Bulacan

TINATAYANG aabot sa P602,400 halaga ng high-grade marijuana o tsongki at cannabis oil ang nasamsam …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *