Monday , December 10 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Make-over ng NAIA T1 kailan tatapusin!?

Make-over ng NAIA T1 kailan tatapusin!?

NAIA T1 renovationMUKHANG ‘di kayang matapos ng DM Consunji Construction firm ang kanilang ginagawang ‘make-over y palitada’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)  dahilan sa magkakasalungat na pahayag ng ilang opisyal ng Manila International Airport Authority (MIAA) over-the-weekend. 

Sa impormasyong nakalap ng Bulabog boys sa tanggapan ni MIAA general manager Jose Angel Honrado ay nakatakdang matapos ang isinasagawang renovation ng T2 ngayon Abril (2015).

Ang tugon naman ng ‘di nagpakilalang Consultant ng DMCI, nakatakda nilang tapusin ang pagkukumpuni sa buong kontrata nang mas maaga ngayong Marso.

Ngunit kung ang independent person naman ang tatanungin kung ano ang assessment to finish the whole renovation based on the actual ocular inspection ay imposible umanong matapos ng either March or April.

Ang pananaw na ‘to ng independent person ay sinasangayunan ng airport insiders dahil ang finishing umano ay mas higit na mabutingting kompara sa initial at middle portion ng working process.

Sa ngayon ay lubhang marami pa rin eye sore sza areas ng NAIA T1, both arrival at departure areas, dahilan sa ;puspusang pagkukumpuni’ kuno nito.

Bunga nito, hindi maiaalis sa mga frequent travellers, particularly sa mga expat na magbigay ng side comment na sana ay tapusin na sa lalong madaling panahon ang trabaho nila.

Umaasa ang mga arriving/departing passengers na sana ay matapos na ahead of schedule ang nabanggit na international passenger terminal para sa totoong kahulugan ng hassle free travel sa ilalim ng “It’s More Fun In the Philippines” slogan. 

COMMENTS
READ MORE:  Kris Aquino trending na naman sa chopper!

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved