Thursday , April 25 2024

Illegal terminal sa Elliptical Road QC namamayagpag pa rin

00 Bulabugin jerry yap jsyMAGALING rin talaga magtago ng kailegalan ang isang alyas ULO diyan sa Quezon City Hall.

Mantakin ninyong ilang metro lang ang distansiya sa city hall ng Elliptical Road ‘e naitatago pa kina Mayor Herbert “Bistek” Bautista at Madam Joy Belmonte ang mga ilegal na terminal ng mga jeep?!

Ang ipinagtataka natin, bakit hinahayaan ang mga ilegal na terminal sa bungad mismo ng isang subdivision d’yan sa Diliman.

Ilang beses nang inirereklamo ‘yang mga perhuwisyong  ilegal terminal na ‘yan pero parang dumaan lang sa hangin ang mga reklamo.

Alam ba ni Quezon City Department of Public Order and Safety (DPOS) chief Elmo San Diego na nasasalisihan siya ng mga illegal terminal operator d’yan sa gilid ng National Housing Authority (NHA) sa Maharlika St.?

E mukhang laging si Mayor Bistek at si Madam Joy lang ang paboritong kausap ni DPOS chief kaya ‘baka’ wala pa siyang alam sa mga illegal terminal na ‘yan?!

Ganoon ba ‘yun, Boss Elmo, Sir?!

Makikisuyo na po tayo DPOS chief, pakiimbestigahan na nga po ‘yung isang alyas ULO na siya umanong nakikinabang nang husto sa butaw ng illegal terminal at kolorum sa lugar na ‘yan.

Agad-agad na po!

Bi-Intel agent naka-tongpats sa notorious korean gangster!?

Matapos natin i-expose ang katarantaduhan sa ating bansa ng isang notorious na Koreanong si PATRICK JUNG aka SHI-BAL, may natanggap tayong balita na nagyayabang pa raw ang nasabing Koreano at kailanman ay hindi raw siya kayang takutin sa pamamagitan ng diyaryo at maging ng immigration.

Ipinagmamalaki raw ng ungas at mabantot na Koreano na wala raw siyang Immigration violation kaya wala raw basis para siya ay arestohin.

Talaga lang ha!?

Para kay Koreanong Patrick topak, hindi pala immigration violation ang maging coddler ka ng PUGANTE gaya ni LEE SANG TE.

E paano naman ‘yung kaso na inabuso niya at sinaktan noon na babae sa isang club diyan sa Roxas Blvd? Pasok na pasok sa pagiging undesirable alien si Patrick Jung aka topak, ‘di ba!?

SOJ Leila de Lima, ‘yang mga ganyang klase ng foreigner sa ating bansa ay patuloy na mang-aabuso kung hindi bibigyan ng leksyon!

E sino naman ba ang ipinagmamalaking konek at tongpats nitong si Patrick Jung diyan sa immigration???

Paglabas daw ng ating unang expose kay Patrick ‘shi-bal’ Jung, dali-dali raw na nag-report ang kanyang ka-tongpats na isang Intel agent sa bureau para sabihin na nabanatan siya sa pahayagan na ito.

Ganyan ka-close ang dalawang pakners-in-crime na ‘yan!

Well, Immigration Commissioner Fred Misua ‘este Mison, I will challenge your intelligence if you can find out who among your men assigned at the BI Intelligence unit is Patrick Jung’s coddler/protector?

At kung wala ‘este mahina talaga ang Intel mo, tawagan o i-text mo lang ako at sasabihin ko sa iyo kung sino ang hinayupak na ‘yan!

Aiai-Richard romantic-comedy concert kanselado na!

ISA tayo sa mga nakahinga nang maluwag, nang mabalitaan natin na maging si Ms. AiAi (delas Alas) ay umatras na rin sa kanilang concert ni Richard Yap.

Nang mabalitaan natin ang nasabing concert (Pebrero 12, 8pm, The Theater, Solaire Resort & Casino), binalak din natin manood.

Bukod sa magaling na performer talaga si AiAi ‘e personal na rin naman natin siyang nakadaupang-palad.

Pero nang malaman natin kung sino ang producer, hindi na tayo nagtaka kung bakit nauna nang umatras si Papa Chen.

Mabuti naman at sumunod na rin na umatras si AiAi.

Hindi po ninyo naitatanong, ‘yang producer ng show nina AiAi at Richard ay maraming asunto ng panloloko. Isang malapit na kaanak ng inyong lingkod ay na-estafa mismo ng lalaking producer na ‘yan.

Itanong na lang po ninyo sa kanya kung bakit ko ito sinasabi.

Kung hindi umatras sina AiAi at Richard, malamang sila na ang susunod na aasunto sa producer na ‘yan.

Mahilig kasing magnegosyo nang walang puhunan. Sanay na sanay po ‘yan na laway lang ang puhunan. Okey naman sana ‘yang lakas ng loob niya kung mapagkakatiwalaan. Ang problema po lahat ng nagtiwala sa kanya, ‘e ginugulangan at niloloko niya.

Kaya sa mga entertainer na nakababasa nito, kapag ‘yan pong producer na ‘yan ang makikipag-usap sa inyo, ‘e mag-doble-ingat po kayo.

Ang inaalala lang natin dito, baka nakapag-abono pa si AiAi sa concert na ‘to ‘e tiyak hindi na niya mababawi ‘yun.

Anyway, good riddance na rin ‘yan para kay AiAi at kay Richard.

Next time, huwag na huwag na kayong magkakamaling makipag-deal sa taong ‘yan.

Take it, straight from the horse’s mouth.

All Out War ang gusto

SIR tama c Erap all of war talaga yan ngayon tawa ng tawa ngayon yong mga rebelde kac nakuha nila sa bitag ang ating mga pulis. sana naman mr PNOY Wag ka sa iraq may isis sa ating bansa may abusayaf sunod na pangalan sa MNLF,MILF,BIFF maging PISOM na iyan phellipine islamic state OF MINDANAO hehehe ano na bang nangyari d2 sa mindanao dapat nga e all out war na ni penoy yan. sila ang nagpapagulo d2 sa mindanao dahil hndi cla sumosunod sa gobyerno. #+63910176 – – – –

Walang bilib kay Pnoy

Walang kwenta si PNoy na pangulo, peace talk sabi ng MILF pero tinatraidor nila mga sundalo kawawang ang mga pinoy kay Pnoy. #+63947148 – – – –

Harassment ng pulis PCP Bangkal Makati

MAY isang pulis-Makati nakadestino dati sa PCP ng Brgy. Bangkal, Makati alyas kambal ang pangalan pinagbintangan ako na baril. Hindi totoo dahil wala silang ebidensya hanggang ngayon binubulabog pa nila ako para hindi ako makapagsumbong sa media. Tulungan n’yo po ako imbestigahan si Kambal Pulis dahil kinokonsinti siya ng kanyang mga kasamahan na pulis #+63928386 – – – –

1602, kolorum at droga laganap na raw sa Cavite

KA JERRY, talamak ang illegal sugal, co-lorum, at droga sa probinsiya ng Cavite. Co-lorum sa Imus terminal Cavite, sakla tupada at monte sa Bacoor, Imus, Kawit at Cavite City! Droga sa Datu Ysmael sa Dasmariñas Cavite, Brgy. Tahimik, Malagasang at Anabu sa Imus City Zapote, Brgy. Alima Pugad Lawin, Brgy. Malicsi sa Bacoor City, Brgy. Bagong Pook, Yagit at Calumpang sa Cavite City, Brgy. Con Balay Pier 5,  Balsahan-Callejon, Tabon 1, 2, Tramo sa Kawit. Cavite Gob. Remulla at PD Col. Estomo PPO Cavite kumilos naman kayo!

– Concerned Citizen for security reason #+639372 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *