Sunday , March 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Panaginip mo, Interpret ko: Ex-girlfriend sa panaginip

Panaginip mo, Interpret ko: Ex-girlfriend sa panaginip

00 PanaginipGud eve po,

May tanuq lnq po ako napapanagipan anq ex girlfrnd ko ano ibiq sabihn nanq panaginip ko ako po xi Mr. Aries at makakapag-ibanq bansa pa aqu tnx (09469231775)

 

To Mr. Aries,

Maaaring kaya sumagi siya sa panaginip mo ay dahil sa mga bagay na nag-trigger lang kaya lumabas sa iyong bungang-tulog ang dati mong girlfriend. Ang mga halimbawa nito ay ang makita mo ang dating larawan ng iyong ex, maalala o makita ang dating regalong galing sa kanya, ma-meet o maalala mo ang mga dating kaibigan o kakilala ninyo, ang mapagawi ka sa lugar na madalas ninyong puntahan noon, ang marinig ang dating themesong ninyo at mga katulad nito. Sa kabilant banda, possible rin na kaya mo siya napanaginipan ay dahil mahal mo pa siya. Natural lang na ang taong laging laman ng isip mo ay posibleng mapanaginipan mo.

Hindi ko masyadong maintindihan ang text mo ukol sa pag-iibang bansa. Pero kung tinatanong mo kung makakapag-abroad ka, walang koneksiyon ito sa panaginip mo. Pero, hawak mo ang katanungan sa iyong kasagutan. Ikaw higit kanino man, ang nakaka-alam kung determinado ka talagang mag-abroad. Hawak mo ang iyong kapalaran, kaya kung gusto mo talagang makapunta sa ibang bansa, kung pagsisikapan mo ito ay walang imposible.

Good luck sa iyo and God bless.

Señor H.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top