Wednesday , July 8 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Ang Zodiac Mo (Feb. 06, 2015)

Ang Zodiac Mo (Feb. 06, 2015)

00 zodiacAries (March 21 – April 19) Tumigil at kumuha ng objective view sa tough situation. Huwag gagawa ng pag-aakala.

Taurus (April 20 – May 20) Ang pagsunod sa instructions ay mainam, ngunit ngayo’y dapat kang magkaroon ng sarili mong patakaran.

Gemini (May 21 – June 20) Sa ngayon, maraming mangyayari sa unang pagkakataon, bagama’t hindi mo mababatid ang mga ito hanggang kinabukasan.

Cancer (June 21 – July 22) Gawing solido ang iyong mga plano ngayon. May mabubuong invisible deadline – kaya maghanda.

Leo (July 23 – August 22) May higit kang kontrol kaysa iyong inaakala. Ikaw ang dapat mangibabaw ngayon

Virgo (August 23 – September 22) Dapat madaliin ang mga bagay ngayon, kaya walang panahon sa pagdadalawang-isip.

Libra (September 23 – October 22) Walang taong perpekto, kaya huwag pabibitag sa ilusyong itinatatag ng iba ngayon.

Scorpio (October 23 – November 21) Ang mga bagay ay magiging swabe ngayon kung ilalatag mo ang groundwork.

Sagittarius (November 22 – December 21) Susulpot ang inspirasyon nang hindi mo inaasahan, kaya magpaka-busy at mabulaga ngayon.

Capricorn (December 22 – January 19) Maaaring ikalungkot mo ang mga balita ngayon, ngunit kung mananatili ka sa plano, tiyak na magiging maayos sa iyo ang mga bagay.

Aquarius (January 20 – February 18) Ikaw ay may kaalaman at enerhiya kung ano ang dapat gawin sa mga bagay na pumipigil sa iyo.

Pisces (February 19 – March 20) Hindi mahalaga kung ano ang iniisip ng iba tungkol sa iyo, lalo na ngayon.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Ang iyong magandang payo ay hindi susundin ngayon – sa katunayan, maging ikaw ay irereserba rin ito para mas tamang panahon.

ni Lady Dee

 

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top