Sunday , February 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Payo ni Gwyneth Paltrow: Wastong Paglilinis ng Vagina

Payo ni Gwyneth Paltrow: Wastong Paglilinis ng Vagina

Kinalap ni Tracy Cabrera

020315 Gwyneth Paltrow

NARITO na naman ang aktres na si Gwyneth Paltrow.

Mula sa kanyang paniniwalang maaaring mabulok sa paggamit ng gatas, sa kanyang adhikain na ‘conscious uncoupling’ na sini-mulan sa kanyang asawang si Chris Martin, inilarawan ni Paltrow ang ilang kakaibang ideya sa kanyang lifestyle newsletter na Goop.

Ngayon ay pinagsasabi ng aktres ang umano’y benepisyo ng vaginal steaming—o ‘V-steaming’ sa madaling salita.

Sa paglalarawan ng nasabing treatment na kanyang naranasan sa Tikkun Holistic Spa sa Santa Monica, Ca-lifornia, inihayag ng aktres sa kanyang newsletter, “Ang tunay na ginintuang ticket dito ay Mugworth V-Steam: Mauupo ka sa masasabing isang mini-throne, at magpapalinis sa kombinasyon ng infrared at mugwort steam ng iyong uterus, at iba pa.”

Ayon kay Paltrow, hindi lang nililinis ng treatment ang uterus kundi binaba-lanse rin ang female hormones. Ngunit duda ang maraming mga doktor sa binanggit na benepisyo.

“Walang siyentipikong ebidensya na nagpapakitang gayon nga ang mararanasan,” punto ni Dr. Draion Burch, na mas kilala bilang Dr. Drai sa kanyang for media appearances at isang ob-gyn sa Pittsburgh.

Nagbabala rin si Burch na ang ‘steaming’ ng nether regions ay maaaring humantong sa hindi kanais-nais na mga side effect.

 

 

 

 

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top