Thursday , April 18 2024

Contingency plan kasado na — PNP (Pag ‘di sumunod si Pope Francis sa protocol)

121314 pope francisTINIYAK ni PNP OIC chief Police Deputy Director General Leonardo Espina, in-placed na ang kanilang inihandang contingency plan sakaling hindi sumunod sa protocol si Pope Francis.

Ayon kay Espina, inaasahan na rin ng mga awtoridad ang posibleng hindi pagsunod sa protocol ng Santo Papa kaya’t minabuti nilang maghanda ng contingency measures.

Sinabi ni Espina, puspusan ang kanilang paghahanda sa seguridad sa pagdating ni Pope Francis at nakikipag-ugnayan na rin sila sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan.

Inihayag ng heneral na dapat din nilang i-adopt kung ano ang gagawin ng Santo Papa.

Mahigpit din ang kanilang koordinasyon sa security ni Pope Francis na Swiss guards na mangangalaga sa interior security ng Santo Papa, habang nakatutok sa external security ang PNP at AFP na tututukan ang mga dadalo sa mga aktibidad ng Catholic Pontiff.

Nilinaw ni Espina, wala silang namo-monitor na banta sa seguridad ng Santo Papa ngunit mas mainam na maging handa ang mga awtoridad.

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Department of Agriculture

Para sa seguridad sa pagkain
PH GOV’T DAPAT MAGPONDO SA MODERNISASYON NG AGRI

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na mamuhunan sa modernisasyon ng agrikultura at pagpapaunlad …

marijuana

P.6-M tsongki nasamsam sa Bulacan

TINATAYANG aabot sa P602,400 halaga ng high-grade marijuana o tsongki at cannabis oil ang nasamsam …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *