Wednesday , April 24 2024

Buong tropa sa Eat Bulaga parte nang kasalang Aiza Seguerra at Liza Dino sa Batangas

121514 aiza liza 2

00 vongga chika peterAfter ng kanilang kasal last month sa San Francisco California, kahapon ay idinaos naman ang wedding nina Aiza Seguerra at Liza Dino sa Paseo Verde, Laiya, San Juan Batangas. At kung mabibilang mo lang sa daliri ang dumalo sa pag-iisang dibdib na ‘yun nina Aiza at Liza na dahil sa sobrang mahal ng ticket sa eroplano ay marami sa mga imbitado ang hindi nakapunta. Pero kahapon ay maliban sa kanilang entourage ay dumagsa ang maraming bisita sa kasal ng dalawa na kinabibilangan ng mga kaanak, kaibigan at mga co-EB Dabarkads ni Aiza na halos kumpletong dumating kasama ang mga bigwigs siyempre ng Tape Incorporated na producer ng Bulaga sina Sir Tony Tuviera at Ma’am Malou Choa-Fagar. Sobrang mahal ng Dabarkads si Aiza lalong-lalo na kay Bossing Vic Sotto na pinakamalapit sa puso ng bagong groom. Imagine! Dahil sa pagmamahal nila kay Aiza ay talagang nag-taped sila ng episode sa Bulaga para sa Thursday airing na mismong araw ng kasal. Kaya halos maluha-luha si Aiza sa all-out na suporta na ibinigay sa kanya ng mga hosts ng programa. Samantala nagpaka-unique naman si Liza sa give away na ibinigay nila ni Aiza sa kasal na instead na bagay ay namigay sila ng special adobo na expert na raw lutuin ng new bride. At kung pagmamasdan ay mukhang magtatagal ang relasyon ng dalawang ito na bukod sa parehong in-love sa isa’t-isa ay compatible pa sa halos lahat ng bagay. Best wishes gyud!

MGA KAPAMILYA CHILD STAR NAGBIBIGAY NG SWERTE KAY ZANJOE MARUDO, DREAM DAD NG AKTOR AT NI BABY JANA

Nangungunang Teleserye Pa Rin Sa Primetime Bida Bago pa si Jana Agoncillo na gumaganap na Baby sa teleseryeng “Dream Dad,” ay nakasama muna ni Zanjoe Marudo si Andrea Brillates sa top-rating afternoon drama program noon ng Kapamilya network na “AnnaLiza”. At nagtagumpay naman sina Zanjoe at Andrea dahil agad nilang nahuli ang kiliti ng TV viewers kaya magmula simula hanggang ending ay hindi sila binitawan ng kanilang avid televiewers kaya pumatok ito. At para kay Zanjoe ay mukhang nagkakaroon siya lagi ng swerte kapag bata ang kasama niya sa programa kung saan love na love niya ngayon si Jana. At patagal nang patagal ay mas lalo silang nagkakaroon ng rapport ng bata. Basta parating good vibes at Gandang buhay ang hatid sa lahat ng nasabing serye. Kaya naman simula December 19 hanggang 24 ay naghari ang Dream Dad sa ratings game kung saan pumangalawa naman sa kanila ang Forevermore nina Enrque Gil at Liza Soberano. Mapanonood pala ang serye gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol sa primetime bida ng ABS-CBN 2.

GIVE LOVE” NINA KC AT PAULO, PATOK SA VIEWERS AT NETIZENS WAGI PA SA NATIONAL TV RATINGS

Inabangan at mainit na pinag-usapan ng TV viewers at netizens ang pagsisimula ng ikatlong kwento ng hit Kapamilya Christmas TV special na “Give Love on Christmas” tampok ang award-winning actors na sina KC Concepcion at Paulo Avelino. Base sa datos mula Kantar Media noong Lunes (Enero 5), wagi ang pilot episode ng “Give Love on Christmas Presents Exchange Gift” taglay ang national TV rating na 12.4%. Para sa isang morning show ay mataas ito kaya naman masayang-masaya ang buong casts at Dreamscape Entertainment Television led by Sir Deo Endrinal. Bukod sa ratings, panalo rin naman ang pilot episode ng “Exchange Gift” sa social networking sites tulad ng Twitter kung saan naging nationwide trending topic ang hashtag na #GLOCExchangeGift dahil sa mga nakakakilig na eksena ng mga karakter nina KC at Paulo na sina Anna at Christian. Samantala, tiyak na mas kapanananabikan ng viewers ang pagpapatuloy ng “Give Love on Christmas Presents Exchange Gift” ngayong nagpakasal na sina Anna at Christian. Paano haharapin nina Anna at Christian ang bagong kabanata ng kanilang relasyon ngayong matututunan na nilang hindi madali ang buhay may-asawa? Magagawa ba nilang tuparin ang mga pangakong binitawan nila sa oras na dumating ang malalaking pagbabago sa kanilang pamilya? Ang “Give Love on Christmas” ay binubuo ng tatlong kwento na iikot sa pamilya, relasyon, at pag-ibig. Kabilang dito ang kwentong “Exchange Gift” nina Paulo at KC, “The Gift Giver” nina Eddie Garcia, Aiko Melendez, Dimples Romana, Carlo Aquino, at Louise Abuel, at “The Gift of Life” nina Gerald Anderson at Maja Salvador. Ito ay Pamaskong handog ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong lumikha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng “Walang Hanggan,” “Ina Kapatid Anak,” “Juan dela Cruz,” at “Ikaw Lamang.” Huwag palampasin ang pagpagpapatuloy ng “Exchange Gift” sa “Give Love on Christmas” bago mag-“It’s Showtime” sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Give Love on Christmas,” bisitahin lamang ang official social networking sites ng programa sa Twittter.com/ DreamscapePH at Instagram.com/DreamscapePH. Maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Give Love on Christmas” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

 

ni Peter Ledesma

About hataw tabloid

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *