Thursday , September 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Erap, tanggap na raw bilang manugang si Bernard

Erap, tanggap na raw bilang manugang si Bernard

ni Ambet Nabus

010615 bernard palanca jerika ejercito

BALITANG nakilala na ng personal ni Mayor Erap Estrada si Bernard Palanca, ang ama ng kanyang apo sa anak na si Jerika.

Isa nga ito sa mga magagandang eksena na naganap noong araw ng Pasko sa tahanan ng mga Ejercito. Maayos ang pagtatagpo ng dalawa at obvious sa mga picture na kumalat sa social media na giliw na giliw si Mayor Erap sa apo, moreso sa bf ng anak nito.

No wonder, bongga rin ang naging reaksiyon ng netizens at madlang pipol sa naturang insidente kahit pa nga earlier that day ay sumambulat ang nakakalokang tweet message ng laging nagpapapansin na DJ Mo sa mga Senador na nakakulong ngayon, including of course our dear Sen. Jinggoy Estrada.

Obvious namang mas like ng mga tao ang “positive vibes” kaya winner ang balitang encounter ni Bernard kay Mayor Erap kaysa walang saysay na pagpapapansin ng bansuting si Mo hahaha!

 

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top