Saturday , December 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Broner humihingi ng rematch kay Maidana

Broner humihingi ng rematch kay Maidana

122814 maidana broner

PAGKATAPOS matalo si Marcos Maidana kay Floyd Mayweather via unanimous decision sa kanilang rematch kamakailan, nagpapapansin naman si Adrien Broner para sa isa ring rematch kay Maidana.

Matatandaan na noong isang taon ay ipinalasap ni Maidana ang nag-iisang talo ni Broner na kung saan ay dalawang beses na humiga sa lona ang huli para manalo via unanimous decision.

READ MORE:  UAAP Season 77 magbubukas sa Hulyo 12

Si Broner ay tinatayang tagapagmana ng trono ni Mayweather dahil sa kopyado nito ang istilo ng huli. Pero dahil sa sumadsad agad kay Maidana, nawala ang gilas ni Broner sa ring.

At dahil nga sa nanalo si Maidana kay Broner ay binigyan ni Mayweather Jr ng pagkakataon ang una na patunayan na kaya niyang gibain ang istilo ng orihinal.

READ MORE:  Perkins, ‘di kontento sa unang laro sa PBA

Nabigo si Maidana kay Mayweather ng dalawang beses via decision.

Ngayon nga, nais ni Broner na ibangon ang namantsahang ring record kung kaya hinahamon niya sa isang rematch si Maidana.

Pagkatapos ng pagkatalo ni Broner kay Maidana ay bahagyang nakabangon ang kanyang boxing career nang maglista niya ng dalawang sunod na panalo kontra kay Carlos Molina at Emmanuel Taylor.

READ MORE:  Pacman kailangang manalo kay Bradley

“I’m a competitive person and this is the guy that gave me my first lost its only right that I get a rematch….. It’s big money for the both of us and the fans want to see if you can beat me again or maybe I knock your ass out this time,” pahayag ni Broner sa social media.

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved