Thursday , April 25 2024

Ai Ai, ayaw na sa Twitter at Instagram

WALA ng Twitter and Instagram account ang Concert Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas.

“Noon ko pa naman din kasi nare-realize na modesty aside, hindi naman sa nagyayabang kami, nagkaroon kami ng mga pangalan ng wala namang social media. Hindi kami pinasikat ng social media,” say niya sa amin over lunch matapos ang kanyang pa-Christmas party for her household help sa pabulosang bahay niya sa Ayala Hillside Estates sa Quezon City.

Pinaghirapan ni Ai Ai ang kanyang pangalan only to be bashed sa social media, ano sila sinusuwerte? Isa pa, alam naman ng lahat kung kanino nanggagaling ang pamba-bash sa kanya, ‘no, kaya tama lang na ‘wag ng bigyan ng joy ni Ai Ai na laitin siya ng laitin sa social media ng kanyang mga kaaway.

“Lahat kami naghirap, from A to Z, from scratch ay pinaghirapan namin ang mga pangalan namin. Pero ngayon, dahil iba na ang buhay, ayoko naman sabihin sa kanila na ‘wag n’yo naman kaming sirain dahil hindi n’yo naman kami kilala. ‘Yung self-respect ay nawala. Kumbaga, binastos ng ano (social media). Parang kahit sino puwedeng magsalita sa ‘yo kahit hindi totoo. Okay lang kung totoo. Ang dami ng sinirang artista ng social media. Kawawa talaga sila,” pagpapatotoo ni Ai Ai.

True naman ang kanyang sinabi. Ngayon, with the advent of social media ay ang dali-dali na nilang sirain ang isang artista.

Maging ang anak nga niyang mag-aartista na sa Siete na si Sancho ay pinagsabihan niyang ‘wag nang mag-Twitter at Instagram.

“Sinabi ko nga sa kanya, ‘Ngayon anak, noong araw kami, siyempre lumang tao kami, noong araw  kami press lang ang naninira or ‘pag kami, ‘pag talagang close kami sa kanila bilang artista (ay napapakiusapan). Ngayon kasi kahit hindi natin kakilala may karapatang magsalita sa atin, eh. Ako, ayoko ‘yon. Kung ikaw kaya mo, pero ako, ang ia-advice ko sa ‘yo ay ‘wag ka na mag-Twitter na kasi unang-una nawawalan ka ng mystery. Pangalawa, nawawala ‘yung  respeto mo sa sarili mo. Hindi ka naman nila kilala, eh, pero kung pagsalitaan ka nila. Parang, teka muna. Pinalamon mo ba ako? Bakit  ganyan kayo makapagsalita sa akin.

“So, wala na siyang Twitter. ‘Yung IG niya ay naka-private. Kaya lang siya may IG ay dahil sa business niya.”

ni Alex Brosas

About hataw tabloid

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *