Thursday , April 25 2024

Trusted na confidant ni Boy Abunda na si Philip Roxas biktima nang paninira

ni Peter Ledesma

Kilala siyang magiliw sa lahat. Kaya natatawa na lang ang friend naming fashionista na si Philip Roxas, ang trusted personal assistant ni Kuya Boy Abunda at nagagawa pa siyang sira-siraan ng iba riyan sa pamamagitan ng text messages, na puro duwag naman at takot magpakilala kung sino sila? Imagine! Sa tinagal-tagal na panahong pagseserbisyo hindi lang bilang isang PA kundi confidante rin ni Kuya Boy na nakaaalam ng lahat ng whereabouts ng famous TV host at taga-entertain sa movie press na bumibisita sa King of Talk tuwing Linggo sa The Buzz, nakuha pa rin siyang (Philip) gawan ng isyu sa kanyang Good Samaritan boss. Mabuti na lang at level headed si Kuya Boy at kilala niya from head to toe si Philip kaya hindi siya naniniwala sa isyung nang-iisnab o nagmamaldita sa mga reporter ang kanyang personal secretary.

At mapatototohanan namin ‘yan dahil ni minsan ay hindi namin siya nakitang nagtaray kundi sweet siya sa lahat lalo na sa malalapit na kaibigan ni KuyaBoy. So vindicated sa nasabing tsismis si Philip kaya kaysa ma-stress ay hindi na lang pinapatulan ang mapag-imbentong mga nilalang. Na-witness namin na lalong nagiging blooming ngayon ang aming friend, siguro in-love hehehe!

By the way magsi-celebrate pala ng kanyang birthday this coming December 21 si Philip at hindi halata ang kanyang age sa kanyang looks. Sobrang thankful pala siya sa Itaas, dahil dininig ang panalangin niya noon kay Kuya Boy na maka-survive sa pagkakasakit niya noon si Kuya Boy na nangyari nga naman.

Say ni Philip bukod sa minamahal na pamilya, mahalaga para kanya si Kuya Boy na itinuturing niyang “hulog ng langit” sa kanya.

Mapagmahal na anak ang personal assistant ng Kapamilya host kaya naman pinagpapala siya nang husto.

About hataw tabloid

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *