Thursday , April 25 2024

Kasalang Aiza at Liza, Twilight inspired

121514 aiza lizaLAS Vegas,USA—Habang naglalakad kami sa Mandalay Bay Casino ay nagpakuwento kami kay Sylvia Sanchez kung kumusta ang kasal nina Aiza Seguerra at Liza Dino at bakit barn wedding ang napiling concept?

“Twilight inspired nga, hinihintay ko nga bumaba sina Bella (Swan) at Edward (Cullen) kasi ang dami-daming puno.

“Ang ganda ng wedding, Reggee, very emotional sila pareho, napaka-intimate. Si Liza iyak ng iyak habang naglalakad patungo sa harap, si Aiza naman, sobrang nangangatog, hindi malaman ano gagawin,” dire-diretsong sabi ng aktres.

Nabanggit na bago magsimula ang seremonya ay nakita nilang nagkakabit ng mga ilaw si Aiza sa venue ng kasal.

“Do It Yourself kasi ang usong kasal dito sa Amerika, dumating kami sa venue ng 2:30, inabutan pa namin si Aiza nagkakabit ng mga ilaw samantalang 3:00 p.m. ang kasal, kaya kaming lahat ng kaibigan niya ay tumulong sa pag-aayos.

“Sina Arjo at Ria (Atayde) maski na nakabihis, tumulong sila sa mga gagawin.

“Alas tres na pumasok si Aiza para magbihis kaya 3:30 p.m. na nagsimula ang ceremony,” kuwentong paliwanag ni Ibyang.

Kilalang sagradong Katoliko ang asawa ni Ibyang na si Art Atayde kaya tinanong namin kung paano siya napapayag na maging ninong kina Aiza at Liza?

“Siya (Ibyang) ang abogado ko, sa kanya nagsabi, eh, mabait at kaibigan namin si Aiza kaya pumayag ako. Sa message ko nga, eh, sabi ko, sa lahat ng kasal na kinuha akong ninong, this is unusual, kasi nga same sex marriage.

“Pero wala tayong magagawa, nagmamahalan sila (Aiza at Liza), ano naman ang magagawa ko, alangan namang pigilan ko, very emotional nga ‘yung dalawa, eh,”katwiran ni papa Art.

Nabalitaan naming may mga inalok na maging ninong at ninang sina Aiza at Liza pero tumanggi raw kaya sobrang nagpasalamat ang dalawang aktres sa mga nakaintindi sa kanila.

Paano naman napapayag si Ibyang para maging ninang? Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na maraming bumabatikos sa ginanap na kasalan ng dalawang aktres.

“Reggs, kaibigan ko si Aiza, mahal ni Aiza pamilya ko, nine years old palang si Arjo, nagkakasama na sila, minahal ni Aiza buong pamilya ko, mabait siya sa amin, kaya anong dahilan para tanggihan ko?

“At saka nakita ko si Aiza kung paano siya sumaya, kasi nagkabalikan sila ni Liza umpisa ng ‘Be Careful (with my Heart)’, sobrang inspired siya, kitang-kita ko kung gaano siya kasaya, iisa ang sinasabi niya, paano niya mapapasaya si Liza pati anak nito. Sobrang mahal ni Aiza ang anak ni Liza.

“At paano ko pipigilan ang dalawang taong nagmamahalan, sobrang nagmamahalan? Sino ako para manghusga?

“Kung iba ang tingin ng ibang tao, bahala sila, choice nila, basta ako, mahal ko si Aiza at si Liza, sobrang mabait sa pamilya ko,”  pangangatwiran din ni Ibyang.

Iñigo, ‘di na kayang pigilan ni Piolo; Viva movie, uumpisahan na

WALA ng nagawa si Piolo Pascual sa pagpasok ng anak niyang si Inigo sa showbiz dahil ang bagets na mismo ang nagsabing gusto niya at nangakong tatapusin ang high school nito sa Amerika payagan lang siya ng ama.

Rito sa Amerika magpa-Pasko si Inigo at babalik siya ng Pilipinas para sa taping ngWansapanataym episode at shooting ng pelikula nila ni Julia Barretto sa Viva Films.

Click sina Inigo at Julia bilang love team kaysa ibang young actor dahil ang nakaraangMaalaala Mo Kaya episode ay umabot daw sa 31.3%.

In fairness may chemistry nga sina Inigo at Julia base sa napanood namin sa MMKpero okay din ang batang aktor kay Sofia Andres na kapartner niya sa Relaks, It’s Just Pag-Ibig.

Dream Dad, pinadapa ang More Than Words ng GMA

PARAMI na ng parami ang viewers na nahu-hook sa charming teleserye ng bayan naDream Dad ng ABS-CBN na pinagbibidahan ng pinakabagong Kapamilya “couple” na sina Zanjoe Marudo at child star na si Jana Agoncillo. Patunay dito ang datos mula sa Kantar Media noong Huwebes (Disyembre 4) kung kailan humataw ang primetime TV series sa pinakamataas nitong national TV rating na 32.2%. Ito ay doble ng nakuha ng katapat nitong programa sa GMA na More Than Words (16%).

“Nakakataba ng puso at nakakatanggal ng pagod ‘yung suporta na ibinibigay ng mga tao sa amin. Masayang-masaya ako para sa lahat ng bumubuo ng ‘Dream Dad,’ lalo na para kay Jana dahil isa siya sa inaabangan ng viewers gabi-gabi,” pahayag ni Zanjoe na gumaganap sa teleserye ng ABS-CBN bilang si Baste, ang “Mr. President” ng batang ulila na si Baby na siyang ginagampanan ni Jana.

“Suwerte kami na si Jana ang napili na gumanap bilang Baby dahil perfect talaga siya para sa role. Bilib ako sa kanya kasi kahit na madalas kaming maglaro sa set, handa siya lagi tuwing magkaka-eksena na kami. Memoryado niya lahat ng mga linya niya at napaka-natural niyang umarte,” dagdag ng Dream Dad lead actor.

Ayon kay Zanjoe, mas marami pang feel-good moments ang dapat tutukan ng mga manonood sa pagpapatuloy ng kuwento nina Baste at Baby sa Dream Dad.

“Nagsisimula pa lang ang lahat para kina Baste at Baby. Dapat abangan ng viewers kung paano nila haharapin ang mga pagsubok na darating sa kanilang buhay ng magkasama at kung paano nila tutulungan ang isa’t isa na marating ang kanilang mga pangarap,” ani Zanjoe.

Huwag palampasin ang pinakabagong feel-good family drama series na magpapangiti sa puso ng viewers, Dream Dad, gabi-gabi, pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng Dream Dad, bisitahin lamang ang official social networking sites ng programa saFacebook.com/DreamDadOfficial, Twitter.com/DreamDadTV, atInstagram.com/DreamDadTV.

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *