Thursday , April 25 2024

Bossing Vic Sotto hataw pa rin sa sayawan (Entry sa Metro Manila Film Festival inaabangan ng fans)

ni Peter Ledesma

UY, hindi lang pagho-host, pagkanta at pagko-comedy ang kayang gawin ni Bossing Vic Sotto dahil noong Sabado sumayaw siya with Aleng Maliit Ryzza Mae Dizon and Alonzo Muhlach sa saliw ng theme song ng entry ng tatlo sa Metro Manila Film Festival 2014 na “My Big Bossing.”

May ongoing na pakontes kasi ngayon ang pelikula ni Bossing na ginaganap araw-araw sa mga barangay sa

Mega Manila at bulilit ang mga constestant. Kaya sa mga chikiting, umpisahan na ninyong mag-practice ng pinauusong dance move ng My Big Bossing, para just in case na sa Barangay niyo naka-schedule bumisita ang JOWAPAO (Jose, Wally at Paolo) para sa segment nila sa Bulaga na “Juan For All, All For Juan” aba’y handang-handa na kayo! At bumuo lang ng grupo na may limang miyembro depende kung ilang girls at boys ang isasama ng magiging lider ninyo, gumawa rin ng pangalan at abangan kung saang team kayo mapupunta kung sa Team Sirena, Team Taktak at Team Prinsesa na pare-parehong karakter ni Ryzza Mae sa mo-vie nila ni Bossing, kasama sina Pauleen Luna, Marian Rivera, Nikki Gil atpb. Ang mapipiling daily winner sa “My Big Bossing Sayawan” ay tatanggap ng P10,000 cash. At siyempre may consolation prize rin para sa hindi mananalong grupo. Kaya mga bagets let’s dance na gyud!

About hataw tabloid

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *