Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Parak utas sa ratrat, 1 pa sugatan

Parak utas sa ratrat, 1 pa sugatan

112514 deadPATAY ang isang pulis habang sugatan ang isang mekaniko nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa tapat ng motor shop kamakalawa ng hapon sa Navotas City.

Hindi na umabot nang buhay sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si PO1 Ronnie Dela Cruz, 30, nakatalaga sa Northern Police District Office (NPDO), at residente ng 122 E. Mariano St., Brgy. Tangos, ng lungsod.

READ MORE:  PDEA exec leader ng drug ring

Habang ginagamot sa University of Sto. Tomas Hospital si Erickson Duque, mekaniko, 35, ng 16 Casiñas St., ng nasabing barangay.

READ MORE:  Martial Law wala nang ngipin — Enrile (Kung idedeklara ngayon)

Sa ulat ni PO2 Joemir Juhan, dakong 3:30 p.m. nang maganap ang insidente sa harap ng motorshop ng biktima sa Angeles Building sa M. Naval St., Brgy. San Roque ng nasabing lungsod.

READ MORE:  Bus driver patay 7 sugatan (Nahulog sa bangin)

Habang inaayos ng mga biktima ang isang motorsiklo nang dumating ang suspek na walang sabi-sabing pinagbabaril ang pulis at mekaniko.

Rommel Sales

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved