Thursday , April 25 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Kumanta ng ‘Hanggang’ hinataw sa ulo, dedo

Kumanta ng ‘Hanggang’ hinataw sa ulo, dedo

112514 deadPATAY ang isang 40-anyos lalaki makaraan hatawin ng kahoy sa ulo ng hindi nakilalang salarin habang kumakanta ng ‘Hanggang’ ni Wency Cornejo sa isang binyagan sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Tondo ang biktimang si Gilbert Martinez, walang trabaho, ng 725 Int. 6, Laong Nasa Street, Tondo, Maynila.

Habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek na mabilis tumakas makaraan ang insidente.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO3 Glenzor Vallejo, dakong 7:45 p.m. nang maganap ang insidente sa Laguna Extension, Tondo.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa insidente.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top