Saturday , December 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Ginang inutas habang tulog

Ginang inutas habang tulog

083014 deadINIIMBESTIGAHAN ng pulisya ang anggulong love triangle sa pagpaslang sa 37-anyos cigarette vendor na pinagbabaril ng isang hindi nakilalang salarin habang tulog sa harap ng tindahan kahapon ng madaling-araw sa Muntinlupa City.

Namatay noon din sanhi ng tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si Merlyn Basas, hiwalay sa asawa, at nakatira sa 91F, Interior, Purok 6, Bayanan, Muntinlupa.

READ MORE:  Reporma sa VFP hiniling na kaagad ipatupad ni Gazmin

Ayon kay SPO1 Ronnie Tamondong, ng Muntinlupa Police Criminal Investigation Section, dakong 2 a.m. nang maganap ang insidente sa harapan ng 7-11 convenience store sa Montillano St., Alabang.

READ MORE:  Dalagita nangisay sa plantsa

Sa pahayag sa pulisya ni Juanito Cariazo, 43, security guard, bigla siyang nilapitan ng suspek at tinutukan ng baril sa tagiliran saka binaril ang biktima na noo’y nakaidlip, sa hindi nabatid na dahilan.

READ MORE:  Ex-GF na titser pinatay, pulis nagpakamatay (Ayaw makipagbalikan)

Nang nakalugmok na si Basas ay muling binaril sa ulo at katawan bago mabilis na tumakas ang suspek.

Manny Alcala

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved