Friday , April 19 2024

P2-M shabu kompiskado sa drug ops sa Albay

111914 shabuDALAWANG milyong pisong halaga ng shabu ang nakompiska ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagsalakay sa isang bahay ng drug pusher sa lalawigan ng Albay, iniulat kahapon.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., ang 400 gramo ng shabu na nakalagay sa dalawang transparent plastic sachets ay nakompika kay Romeo Nosares, Sr., alyas Buwaya, 61, ng Basud, Brgy. San Rafael, Guinobatan, Albay.

Sinalakay dakong 2:30 a.m. kamakalawa ng tropa ng PDEA Regional Office 5 (PDEA RO5) Albay Provincial Office sa bisa ng search warrant na inisyu ni Honorable Alben Casimiro Rabe, Executive Judge ng RTC Branch 15, Tabaco City, Albay, ang bahay ni Nosares.

Kabilang sa nasamsam mula kay Nosares ang isang notebook at 13 pahina ng papel na nakalista ang hinihinalang illegal drug transactions.

Si Nosares, nakapiit sa PDEA RO 5, ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *