Thursday , April 25 2024

Piolo, nai-intimidate raw kay Sarah (Sa pagsasamahang pelikula…)

111414 Piolo Pascual  sarah g

00 SHOWBIZ ms mAMINADO si Piolo Pascual na naka-iintimidate ang track record ni Sarah Geronimoat mahirap sundan ang Starting Over Again kaya naman napakahalaga ng magiging konsepto ng pelikulang pagsasamahan nila ng singer/aktres.

“I’ve always wanted to work with her. Sana maganda ‘yong kuwento, sana maganda ang istorya,” ani Piolo nang makausap namin siya matapos ang Hawak KamayThanksgiving/Farewell presscon.

At dahil romcom ang karaniwang pelikulang ginagawa ni Sarah, okey din ba kay Piolo na ganito ang tema ng pelikula nila?

“Sabi ko naman kay Sarah, we saw each other sa ‘ASAP’, sabi ko, ‘Sarah, as early as now I have to tell you, hindi ako pwedeng kissing scene, hanggang holding hands lang ako. Hindi ako pwedeng mag-love scene.’ Sabi ko sa kanya, ‘may limit lang ang pwede kong gawin’.

“Sinabi ko na bago kami magkatrabaho para clear na rin at hindi ako mag-expect,”pabirong sagot ni Piolo. ”Well, the thing is Star Cinema is known for romcom, bakit ka pa lalayo? I’ve done ‘OTJ’, I’ve done ‘ Manila ’, I’ve done films that hindi mainstream. Pero with Star Cinema and you’re paired with Sarah, it has to be a rom-com. Forte ‘yan ng Star Cinema kaya walang problema.”

Iginiit pa ni Piolo na hindi naman siya nagdalawang-isip sa kung ano mang ibibigay sa kanila ng Star Cinema.

“It’s not up to me. I mean, for me, I’m just gonna do my job. It’s not up to me, for me I’m just doing my job. Kasi alam n’yo naman ang Star Cinema, kapag alam nilang ‘di magwo-work, bakit pa nila ipe-pair ‘di ba? So, I think they know better, so, pupunta na lang ako roon para magtrabaho. I just give my best.”

Sinabi pa ni Piolo na hindi nila makakatapat ang Fifty Shades sa showing ng movie nila ni Sarah. ”I think ‘Fifty Shades’ is gonna be shown before us. Post Valentines yata kami, kung aabot kami. Pero since may Kathryn-Daniel, kung sino una matapos sa amin. I’d rather prioritize na matapos ng maayos kaysa may deadline. Ayokong nagmamadali sa pelikula kasi nakaka-stress, nakaka-pressure. Magsa-suffer ang quality, not for anything, but mas maganda na ‘yong napapaganda pa na may oras pa. So kung hindi na umabot, it’s not about the play date anyway. Basta may maganda kang pelikula it doesn’t matter kalian ipalalabas.”

Sa kabilang banda, okey lang na makasama ni Piolo sa pelikula ang kanyang anak na si Inigo. Pero iginiit nitong nais muna niyang makatapos ng pag-aaral ang binata.

Okey din lang kung mas bida sa kanya si Inigo. ”Wala akong problema, for his movie I did a cameo. So I’d give everything para sa anak ko, kahit anong support ibibigay ko, kahit siya ang bida just to let him shine on his own.

Samantala, sa nalalapit na pagtatapos ng Hawak Kamay, inaanyayahan ng powerhouse cast ang mga tagasubaybay na huwag bumitiw sa huling mga linggo hanggang sa inaabangang finale.

Dahil sa tema ng show tungkol sa pagiging magkakapamilya kahit hindi magkakadugo, ang Hawak Kamay ay mainit na tinanggap ng mga TV viewers. Nakatanggap din ng maraming positibong rebyu pati matataas na ratings ang show. Ang apat na buwan na pag-ere ng primetime bida teleserye ay naging matagumpay dahil sa consistent nitong istorya na nakasentro sa pampamilyang mga isyu na may kaugnayan sa modernong pamilyang Filipino. Bahagi rin ng tagumpay ng show ang husay ni Piolo sa drama series na naging big comeback niya sa telebisyon.

ni Maricris Valdez Nicasio

 

About hataw tabloid

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *