Thursday , April 25 2024

Mga parak MPD na hulidap at tulak kasuhan!

080614 MPDMARAMI ang nag-aabang kung ano ang susunod na gagawin ni Manila Police District (MPD) Director, Gen. Rolanda Nana sa opisyal at walong (8) pulis na isinailalim ngayon sa imbestigasyon matapos makuhaan ng bulto-bultong shabu at marijuana sa kanilang kustodiya.

Marami talagang nagtataka kung bakit nakapag-ipon ng ganoon karaming ilegal na droga ang mga pulis ng MPD District Anti-Illegal Drugs (DAID).

Ayaw nating husgahan ang mga nasabing pulis hangga’t hindi natatapos nag imbestigasyon, pero matagal na tayong nagtataka kung bakit walang naipipresentang huli ang nasabing yunit ng pulisya gayong maraming ulat na lagi silang nag-iikot sa mga lugar na kung tawagan ay drug infested.

Totoo kaya ang balitang ibinabangketa o huli-benta ng MPD-DAID ang mga nakuhang droga sa kanila?!

‘Yan bang tanong na ‘yan ang hint o sagot kung bakit sandamakmak ang droga sa opisina ng DAID?!

Sana ay mapanagot ni Gen. Naknak ‘este Nana ang mga pulis na sangkot sa pagtutulak ng nasabing ilegal na droga.

At kung mapatunayan na ilegal ang pagtatago nila ng droga sa kanilang locker ay kasuhan ng illegal possession of ilegal drugs.

Sana ay isunod na rin imbestigahan ni Gen. Nana ‘yung MPD anti-carnapping unit na balitang-balitang ‘tulala’ sa pagkawala ng recovered carnapped vehicles. Ganoon din ‘yung mga na-chopped-chopped na motorsiklo.

Isa-isahin mo na ‘yan Gen. Nana!

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *