Thursday , April 25 2024

Jed Madela nagtatalak na naman sa kanyang cheap FB account (Pagkatapos tarayan noon ang Kathniel)

111214 jed madela kathniel

00 vongga chika peterILANG beses na bang ipinahamak si Jed Madela, ng kanyang pagiging mahadera.

Few years ago, nagkaroon na ng issue si Jed sa isang concert niya sa abroad dahil hindi niya nagustuhan ang poster ng concert. Talagang pinagpupunit niya ito sa harap ng kanyang promoter. Tapos pati ang Kathniel na hindi naman siya pinakikialaman ay kanya rin pinagtripan sa kanyang IG Account. Tama bang kuhanan niya sa cellphone ‘yung naiwang kalat ng pinagkainan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa dressing room sa isang event noon sa Smart-Araneta Coliseum na magkakasama silang tatlo.

At dahil nakatikim nang pamba-bash mula sa maraming followers ng Kathniel at di siya tinigilan, humingi agad ng paumanhin si Jed sabay bitaw ng salita sa interview na dapat “Think before you post.” Ganoon naman pala e, bakit last Sunday ay nagtaray na naman ang biriterong singer sa kanyang cheap FB account (cheap kasi wala na siyang ginawa kundi ang magkuwento at mag-emote sa kanyang sarili). Pinatatamaan niya ang ilan sa production staff ng ASAP 19 nang hindi lang siya mabigyan ng grand welcome sa show matapos mawala nang ilang linggo dahil nagkaroon ng show sa Cagayan de Oro City with JC of The Voice of The Philippines and Lani Misalucha.

Narito ang post ng singer na obyus na ang mga tao sa production ng ASAP ang pinatutungkulan niya.

“Nothing’s changed. Same old shit. I’ll just smile and imagine. I’m dealing with a bunch of monkeys.”

Wow! masasamang tao na pala sa paningin niya ang mga nakatulong sa kanyang career. Ang nakakalokah! Sa sobrang defensive ng kampo ni Jed, hindi pa nga tayo naglalabas ng article tungkol sa pangyayari na ikina-react at ikinadesmaya ng people behind ASAP, hayun nagpapaawa effect na ang grand champion sa WYCOPA. Pinalalabas nila na hindi ang ASAP ang tinatarayan ni Jed kundi ang Cebu Pacific dahil sa palkpak na serbisyo ng Airline company. At hindi raw talaga magagawa ni Madela ang inaakusa sa kanya dahil mabait siyang tao at wala sa ugali niya ang manira ng kapwa. Talaga lang ha? Sige para bolahin niya ang lola niyang lelang at panot. Ating basahin ang isa pang post ng singer at kayo na ang bahalang mag-judge kung totoo ang kanyang sinasabi na ang Cebu Pacific ang tinutukoy niya sa kanyang reklamo. “Nakakawalang gana nga eh… Haaa’y ganu’n ang “welcome back” na walang kwenta.

Hahahaha tawa na lang at gaguhan. Hahahaha. So sino ang magbibigay sa kanya ng grand welcome o sa sinasabi niyang “welcome back?” Ang Cebu Pacific ano ‘yun kailangan may baloons at banner. Hello?

Hindi na siya ganun kasikat no! Sana bago kasi magbuhos ng walang kuwentang emosyon ay inintindi muna ni Jed ang sitwasyon. Two weeks na hindi nakapag-live ang ASAP dahil sa matagumpay na live show nila sa Shrine Auditorium sa L.A. at may isang taped episode. Tapos pagbalik nila marami na- man silang promo at nagbigay pa ng grand welcome ang ASAP sa pagbabalik-Kapamilya ni Jolina Magdangal kaya puno talaga ‘yung show last Sunday. Saka bakit ba nagmamadali si Jed na mabigyan ng pagsalubong sa kanyang pabababalik e, may mga susunod pa namang linggo na mas mabibigyan pa siya ng magandang exposure. Sana naisip ito ng singer, hindi ‘yung wala na siyang ginawa kundi ang mag-emote at parating maging bitter sa kapwa. Saka dapat tumingin siya sa nagawa ng ASAP sa kanyang career dahil hindi naman siya makikilala nang husto at magkakaroon ng maraming show abroad kung hindi dahil sa ginawang build-up sa kanya ng top-rating Sunday Musical Variety show.

Tigilan na kasi ang pagiging “feelingera” mo gyud!
ni Peter Ledesma

 

About hataw tabloid

Check Also

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *