Thursday , April 25 2024

Jodi, buntis daw kaya tahimik

ni Dominic Rea

111114 Jodi Sta Maria

 

ANG alam namin ay masaya ngayon si Jodi Sta. Maria sa kanyang pribadong buhay. Bukas naman sa publiko ang relasyon nila ngayon ni Jolo Revilla at wala namang itinago ang Daytime Queen at Kilig Serye Queen pagdating sa kanyang lovelife.

In fairness naman kasi kay Jolo, very supportive ito sa aktres eversince nagkaroon sila ng relasyon and Jodi appreciates it.

Ayon din sa aming kaalaman, hindi rin naman mawawala sa isang relasyon o commitment ang minsan ay nagkakaroon ng tampuhan but naaayos pa rin naman ang lahat at nalalagay sa kanyang dapat kalagyan ang mga bagay-bagay.

Sa pagtatapos ng seryeng Be Careful With My Heart sa November 28, na tumakbo ng halos 2 years and 4 months, ay at saka naman umusbong ang isyung buntis daw ngayon si Jodi.

Pinag-uusapan kasi ito sa isang kumpulan ng reporters na kaya raw nananahimik ang aktres ay dahil preggy ito.

Kahit ako na kaharap nila ay naloka at nagtatalak na paano naman mangyayari ‘yun eh wala pa ngang nangyayari, buntis na agad? Ano ‘to? Makita lang magka-date at magkasama nabuntis na?

Napakarami talagang madiwarang dila at bunganga sa mundo may masabi lang. Hanggang sa tinext ko si Mareng Jodi dahil sa totoo lang, hindi rin ako pinatahimik ng naturang kumpulan.

“What? Ako? Buntis? Saan naman napulot ang balitang ‘yan Marse?” bulalas ni Jodi sa kanyang text message.

Sinabi kong, ‘okey, huwag na mag-alala at hindi naman totoo’.

“Sabihin mo sa kanila Marse na huwag sila mag-alala dahil after 10 years ay ilalabas ko ang bata,” aniyang pahabol na tugon sa aking tanong.

“Marse, huwag mo na isulat at patulan dahil hindi naman totoo!” aniyang tsika pa sa amin.

Hindi ko lang talaga kayang palampasin lalo na’t mga alaga ko rin ang ginagawan ng isyu!

 

About hataw tabloid

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *