ITO ang birthday wish ng Palasyo kay Vice President Jejomar Binay sa pagdiriwang niya ng ika-72 kaarawan nga-yon.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang kinalaman ang Palasyo sa pag-iimbestiga ng Senado sa sinasabing mga katiwalian na kinasasangkutan ni Binay bilang alkalde ng Makati City at ill-gotten wealth ng Bise-Presidente.
Hindi aniya nakikialam ang Malacañang sa mga hakbang ng Senado dahil ibang sangay ito ng gobyerno.
Naniniwala si Valte na ang pagsisiyasat ng Senado kay Binay ay walang epekto sa relasyon nila ni Pangulong Benigno Aquino III.
“They work when they need to,” ani Valte.
Nauna nang hinamon ni Pangulong Aquino si Binay na magbitiw bilang miyembro ng gabinete nang batikusin ng Bise-Presidente ang administrasyon sa ilang isyu gaya ng mataas na crime rate, at mga aberya sa MRT at LRT.
Nang dumalo si Binay sa special cabinet meeting on Yolanda noong nakalipas na linggo ay hindi siya pinansin ni Pangulong Aquino.
Rose Novenario