Saturday , April 20 2024

1st PH bike expo 2014


111014  Philippine Bike Expo 2014

TAMPOK ang mga premyadong bisikleta para sa kompetitibong torneo hanggang sa simpleng gamit sa ehersisyo ang masusuri at makikilatis ng biking aficionados at elite riders sa paglulunsad ng kauna-unahang Philippine Bike Expo sa Nobyembre 15-16 sa World Trade Center, Pasay City.

Inorganisa ng Phil-Bike Convention, Inc. sa pakikipagtulungan ng Ex-Link Events, maihahalintulad ang Bike Expo sa ginaganap taon-taon sa abroad kung saan ipaparada ang mga premyadong bisikleta na mabibili sa mas mababang halaga.

Makikibahagi rin para magbigay ng demonstration at biking clinic si dating World Trials Champion Thomas Oehler , habang pangungunahan ni rapper Gloc-9 ang mini-concert na isa sa highlight ng dalawang araw na kasiyahan

Bukod sa mga bisikletang mapamimilian, nakatakda ring magsagawa ng libreng pagtuturo ang mga exhibitors para sa pangangalaga ng bisikleta, tamang gawin sa sandaling magkaroon ng aberya habang nasa biyahe at tamang pyesa na kailangan para sa emergency.

Magsasagawa rin ng Indoor BMX Halfpipe competition na lalahukan ng mga amateurs at prominenteng BMX riders sa bansa. Ayon sa organizer, tumaas ang bilang mga mga Pinoy na sumasali sa BMX, higit nang manalo ng gintong medalya si Danny Caluag sa nakalipas na Asian Games sa Incheon, South Korea.

Bukod sa mga diskwentong nakahanda, ipinangako ng mga kalahok na exhibitor na ihahanda nila ang mga klase ng bisikleta na para sa mga baguhan at kompetitibong riders na pasok sa kanilang budget.

(HENRY T. VARGAS)

About hataw tabloid

Check Also

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

MILO 60th Anniversary

 MILO Philippines kicks off 60TH year celebration;  underpins commitment to grassroots sports development

15 April 2024 | Manila, Philippines – In a celebration event to mark its 60th …

Sambo PH team TOPS Paolo Tancontian Ace Larida

Sambo PH team potensiyal sa int’l arena

KUNG medalyang ginto ang nais ng sambayanan mula sa contact sports, ibilang ang Sambo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *