Saturday , April 20 2024

Loveteam nina Elmo at Janine, tiyak na papatok

ni Ed de Leon

110614 Elmo Magalona Janine Gutierrez

SABI ni Kuya Germs, mas naniniwala raw siyang kakagatin ng publiko ang tambalan nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez. Ang dalawa ay anak ng mga original naBagets. Si Elmo ay anak ng master rapper na si Francis Magalona at si Janine naman ay anak ni Monching Gutierrez. Parehong galing sa pamilyang showbiz at umamin din naman talagang on silang dalawa.

Nagkasama na sila sa isang serye na kinagat ng fans, kaya nga pinagsama sila ulit saMore Than Words. At sabi nga ni Kuya Germs, ang pag-amin ng dalawa ng kanilang relasyon ay tiyak na mas magpapakilig sa kanilang fans. Kung iisipin mo na nagmula iyan sa isa sa mahusay na pagma-match ng mga love team na si Kuya Germs, siguro nga ganoon ang mangyayari.

Noong una naman kasi, kaya hindi kinagat ng mga tao ang ka-love team ni Elmo ay dahil alam naman ng lahat na noong panahong iyon ay girlfriend niya sa tunay na buhay si Lauren Young. Bakit nga ba kakagat ang fans kung alam naman nilang hindi totoo?

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *