Thursday , April 25 2024

Bayan-Globe humirit sa CA (Kaso ipinababasura)

110514 FRONTHINILING ng Bayantel Telecommunications at ng Globe Telecom sa Court of Appeals na ibasura ang kasong isinampa ng Philippine Long Distance Telephone dahil sa kawalan ng sapat na merito.

Sa Joint Rejoinder ng Bayan-Globe sa 17th Division ng CA noong nakaraang Oktubre 30,  ipinaaalis din ng dalawang telcos ang  temporary restraining order (TRO) na ipinalabas nito noong  Oktubre 9, 2014 laban sa NTC at ipinababasura ang pagkakaloob ng writ of preliminary injunction.

Sa naturang Joint Rejoinder, nanindigan ang Globe na ang itinutulak na ‘bully’s agenda’ ng PLDT na walang basehan ay nagpapakita na hindi titigil para mapigilan ang P5 billion rehabilitation effort ng Globe.

“Ironically, petitioner (PLDT) has the audacity to pontificate that Bayantel and Globe are the ones conspiring ‘to create an anti-competitive environment’ in the telco industry,” giit ng Globe.

Binigyang-diin ng Bayan-Globe sa CA na ang iginigiit ng PLDT na karapatan para maproteksyonan ay walang basehan dahil ang rehabilitasyon ng Bayan ay magbabangon lang dito – at hindi talaga magdudulot ng ‘unfair competition.’

”Bayan’s co-use of its radio frequencies with Globe are not at all inimical to petitioner PLDT nor to the industry or the subscribing public as they will not only mean the success of Bayan’s rehabilitation but a benefit for the rapidly expanding consumer market by empowering them with more choices and faster and better products and services,” nakasaad pa sa Joint Rejoinder.

Nakasaad na walang isyu hinggil sa pangangailangan ng congressional approval sa umano’y franchise transfer dahil ang nailipat lang ay shares of stock ng Bayan at hindi ang prangkisa nito.

Binanggit din sa joint petition ang Supreme Court ruling sa kaso ng “PLDT vs. NTC”  na ang “paglilipat ng shares ng isang public utility corporation ay nangangailangan lamang ng pahintulot ng NTC at hindi ng Kongreso.”

Magugunitang naalis ang monopolyo ng PLDT sa lumalagong telco industry sa pagpapatupad ng telecoms deregulation law – RA 7925 – ngunit patuloy itong binabalewala ng PLDT sa pamamagitan ng mga mapaminsalang pakikipagsapalaran tulad ng pinakahuli nitong taktika sa pagpigil sa Bayan, sa mga empleyado at kasalukuyang customers nito sa pagpapatupad ng inaprubahang rehabilitation plan ng Pasig Regional Trial Court.

Bong Son

About hataw tabloid

Check Also

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *