Thursday , April 18 2024

Lloydie, ipina-cancel ang flight sa LA, madamayan lang si Angelica

 ni Roldan Castro

103114 lloydie angelica

BONGGA si Angelica Panganiban dahil hindi siya iniwan ni John Lloyd Cruz noong unang araw na mabalitaang isinangkot siya sa demanda ng estranged wife ni Derek Ramsay. Bagamat nagkasundo na sina Derek at ang dati niyang asawa, nakaladkad naman ang pangalan ng aktres ng Banana Split:Extra Scoop at Banana Nite.

Paano sinuportahan ni Lloydie ang girlfriend noong nasa kalagitnaan si Angelica ng kanyang pinagdaraanan?

“Siyempre, noong malaman namin ‘yun, paalis ako for ‘ASAP L.A.’, hayun, hindi ako nakaalis until the following day kasi..as in nagkagulatan, eh! Buti nga, na-text ako ng kaibigan ko na may magpa-file ng case, so, hayun, I just make sure na mayroon siyang kasama. Nagpunta pa roon ‘yung mga pinsan ko, makasama rin niya ganyan. Importante sa ganyang pagkakataon na nandiyan ang kaibigan, pamilya. Siyempre, partner mo, ‘di ba?So, I cancelled my flight. Nagbayad na lang ako ng rebooking. He!he!he. Okey lang naman kasi mas importante ‘yung nandoon ka. Hindi biro ‘yang masampahan ka ng kaso, eh!,” deklara ni John Lloyd nang makatsikahan namin siya sa taping ng Home Sweetie Home ng ABS-CBN 2.

Sinabi rin ni Angelica na naramdaman niyang ang ganda-ganda niya at ang haba ng hair niya noong nakilala niya so John Lloyd.

“Alam mo, there’s a lot of beauty na puwede mong ma-discover kapag nakikilala mo ang sarili mo, what more kapag natutulungan ka pa ng isang tao na gustong-gusto mo, mahal na mahal mo. Ganoon talaga, inevitable na mangyari ‘yun.”

Nagsimula ba ‘yun noong mag-shoot sila sa Vietnam?

“Oo, roon naman talaga. ‘Yung Vietnam parang nagulat din ako, because, kasi rati hindi naman kami…magkakilala kami pero hindi naman kami nagkakausap. Parang doon ko lang siya nakilala. Para bang nakilala ko siya for the first time,” aniya pa.

Samantala, isang taon na noong Oct.25 ang Home Sweetie Home nadagdag ngayon sa cast sina Phillip Salvador, Diana Zubiri, Ogie Diaz atbp.. Mga three weeks na raw na umaakyat ang ratings ng nasabing comedy show.

“Magandang feedback ‘yun kasi may deal kami kay Tita LT (Linggit Tan, Business Unit Head ng Comedy) ‘pag naabot ‘yung certain ano na rating, simple lang magpapa-dinner lang naman siya o magpapa-lunch. Alam mo mababaw ang kaligayahan namin dito, magkapag-lunch lang kami na sabay-sabay, makapag-dinner masaya na,” sey pa ni Lloydie.

Bongga!

About hataw tabloid

Check Also

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Blind Item, Mystery Girl, Actress

Female starlet ‘di makapagpakita kay DOM, ‘tinamaan’ sa foreigner na sinamahan

ni Ed de Leon AY naku, mukhang natauhan na rin ang isang DOM na pinaglololoko lang siya …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai sinuwerte kay Gerald, good provider na  pinakamatagal pang nakarelasyon

HATAWANni Ed de Leon ABA at tumagal na pala ng 10 taon ang pagsasama nina Ai …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *