Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Ang Zodiac Mo

Ang Zodiac Mo

00 zodiac

Aries (April 18-May 13) Huwag magugulat kung bigla ka na lamang makaramdam ng galit nang walang dahilan. Maaaring ito ay kaugnay sa nangyari sa nakaraan na hindi naresolba.

Taurus (May 13-June 21) Mainam ang araw ngayon sa pagpapasimula ng bagong proyekto kasama ng iba.

Gemini (June 21-July 20) Sa sasalihang mga aktibidad, mapapansin ka ng publiko.

READ MORE:  Kurikit (Ang Duwendeng Makulit) (Ika-22 labas)

Cancer (July 20-Aug. 10) Magkakaroon ng mga pagbabago sa iyong lalahukang larangan.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) May matatanggap na pera bukod sa iyong sweldo. Maaaring ito ay bonus o pabuya.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) May mangyayaring malaking pagbabago sa inyong komunidad. Maaaring ito ay positibo para sa lahat.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Maaaring naisin mong gumawa ng volunteer work o tumulong sa isang kaibigan.

READ MORE:  Panaginip mo, Interpret ko: Baul at numero sa panaginip

Scorpio (Nov. 23-29) Ngayong araw ay magigising kang mistulang kaya mong gawin kahit ang ano pa man.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Maaaring bumalik sa iyo ngayon ang dating sayang naramdaman noong iyong kabataan.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Mauubos ang iyong panahon sa mga proyekto ng inyong grupo, maaaring para sa inyong komunidad.

READ MORE:  Ang Zodiac Mo (May 01, 2015)

Aquarius (Feb. 16-March 11) May maiisip kang bagong mga ideya para sa iyong career.

Pisces (March 11-April 18) Ang patuloy na tagumpay at swerte ang magsusulong sa iyo para ituloy ang mga plano.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Planuhing mabuti ang mga proyektong nais ipatupad. Huwag mag-aapura.

 

Lady Dee

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved