Friday , April 19 2024

Fans ni Kris, imbiyerna kay Derek

KRISAYAW pa rin ng fans ni Kris Aquino kay Derek Ramsay at imbiyerna sila nang makita ang photo ng dalawa na magkasama sa MetroWearIcon event ni Cary Santiago recently.

Sa photo kasi ay muling umingay ang chikang magdyowa sila. Galit ang fans ni Kris at sinabing manggagamit lang ang hunk actor.
“Pagnakita ng Xwife ni Derek i2 baka pati ikaw ms.Kris idadamay nya tulad ni Angelica P,”say ng isang fan kay Kris.

“Of all men si Derek pa …..number one babaero yan makukulong pa yan at may kasong concubinage yak at Laos na Laos Kaya kumakapit sayo Kris kasi alam niya desperado ka sa lalake! Nabigyan ka Lang ng aso na bola ka na in love ka na …..yak! Yan ba ang intelligent o tanga!” comment naman ng isa.

“Hay nako kris wag si derek marami pang lalaki maraming sabit yan. himdi kayo bagay daludo ako sa iyo sobrang bait mo at matalino hindi k talaga bagay sa kanya,” hirit ng isa pang tagahanga ng Queen of Talk.

 

Arnold, ginawang makatotohanan ang lovescene nila ni Michelle

PARA kay Arnold Reyes, duty-bound siya na protektahan ang leading lady niya sa Bacao na si Michelle Madrigal.

“Everytime na ginagawa namin ang love scenes ay iniingatan ko siya (Michelle). Kailangang makatotohanan ang love scenes namin and yet may pag-iingat ako sa co-actor ko para hindi siya madala,” say ni Arnold.

“Inalalayan din naman ako ni Arnold pagdating sa mga love scene namin but ‘yun nga I was really nervous kasi first time ko (magka-love scene) tapos ‘yung camera nandiyan. Parang na-conscious ako kasi I don’t do that everyday, people shoot you kissing someone and you’re half-naked,” chika naman ni Michelle na first time nagpaseksi sa movie.

Bilang isang young married couple na hindi magkaanak, ”Ginawa na namin ang lahat—sa banyo, sa maisan, sa sofa. Lahat ginawa na namin pero hindi siya (Michelle) mabuntis,” say ni Arnold.
First time ni Arnold makasama si Michelle at na-impress siya sa dalaga.

“Lagi kong sinasabi sa kanya na marami ka pang indie film na gagawin. ‘Yung nuances niya ay gustong-gusto ko, napaka-natural. Sobrang galing ng adjustment na ginawa niya sa movie, sobrang organic. Ipinakita niya rito na less is more.”

Sobrang happy ang binata dahil lead star siya sa Bacao directed by Edgardo “Boy” Vinarao.

According to direk Edgardo, hindi indie ang movie nila dahil P4-M ang budget nito.

“Actually, ito ang first time ko na magbida sa isang mainstream na project,” say ni Arnold.”Para sa akin, basta maganda ‘yung role, maganda ‘yung pelikula ay ‘yun ang nagbibigay ng fulfillment sa akin. Kung saan man ako dalhin nito ay magiging masaya ako. Basta ang mahalaga ay gusto ko at maganda ang ginagawa ko, ‘yun ang importante sa akin.”

Jeff, slowly but surely sa showbiz career
UNTI-UNTI nang nare-realize ni Jeff Carpio ang kanyang pangarap na maging artista.

Masipag ang alaga ni Tito Alfie Lorenzo kaya naman kinakasihan siya ng suwerte. Kasama siya sa latest movie ni Judy Ann Santos na T’yanak na horror film directed by Peque Gallagaand Lore Reyes.
Slowly but surely ang ganap sa career ni Jeff. Umapir na siya sa ilang shows tulad ng MMK, Daisy Siete, Honesto, Marimar, Hinugot sa Aking Tadyang, Dyesebel, Maging Sino Ka Man (Book 2), at Patayin Sa Sindak Si Barbara kaya naman nahasa na siya nang husto sa acting.
Idagdag pa rito ang workshops na kanyang kinuha kaya naman masuwerte siya’t mayroon siyang credentials talaga.
Alex Brosas

About hataw tabloid

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *