Saturday , April 20 2024

Jed, 7 beses nabigyan ng standing ovation sa Canada! (Lea, napahanga, tinawag na alien ang singer)

ni Dominic Rea

101714 jed madela

DUMATING na sa bansa si Jed Madela galing sa napaka-successful concert niya sa Vancouver at Victoria sa Canada.

Parehong sold out ang dalawang concert ni Jed at ang mga kababayan natin doon ay nag de-demand na ng part 2!

Tanging si Jed lamang ang performer/singer ang nakatanggap ng hindi lang isa o dalawang standing ovation sa isang concert kundi pito!!

Pabirong kumento nga ni Lea Salonga noong nabalitaang si Jed ay nakatanggap ng three standing ovations sa Vancouver and seven sa Victoria, “because he is an ALIEN! No human can get a standing ovation that many in one concert!”

Laman si Jed ng lahat ng news magazines sa Canada ngayon na pati ang Canadian press ay napansin ang ating champion. “He’s selling out concerts and it looks like he’s a big deal of a performer..”

Babalik si Jed sa Canada para sa 2nd leg ng kanyang concert tour na sa ngayon ay 10 cities ang iikutan doon!

Dito sa Pilipinas, mapapanood si Jed sa Oct. 22 sa Midas Hotel, sa November 9 naman sa sa Enchanted Kingdom, at ang 3rd run ng concert niyang All Requests 3 ay sa November 21 na!

Congratulations Jed! Mabuhay ka!

About hataw tabloid

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *