Thursday , April 2 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Walang kapagod-pagod ang aberya ng MRT (Makapal ba talaga ang mukha n’yo?)

Walang kapagod-pagod ang aberya ng MRT (Makapal ba talaga ang mukha n’yo?)

00 Bulabugin jerry yap jsyMUKHANG dadaigin ng sunod-sunod na aberya ng MRT ang pagtitiis at pagtitiyaga ng commuters sa kanilang serbisyo.

Sawang-sawa na ako tuwing umaga kapag napapanood sa iba’t ibang TV morning programs ang commuters sa mga aberya ng MRT pero ang MRT mukhang hindi nagsasawa sa kaaaberya.

Mantakin ninyo, kung kayo ay isang commuter, pipila kayo nang pagkatagal-tagal dahil napakahaba ng pila.

Nagtitiyaga pumila ang mga commuter kasi nga mura at mabilis (sana) ang MRT.

Pero ang masama, pagdating nila sa itaas, may aberya pala ang MRT kaya baba na naman sila at sa bus naman maghihintay nang matagal para makasakay at makipagsiksikan na kapag minalas-malas ‘e madudukutan pa.

‘Yan ang buhay ng sambayanang commuters sa Philippines my Philippines.

Magbawas lang ng tax para sa BIR at sumingil ng contributions sa SSS, GSIS, Philhealth, Pag-IBIG ang mabilis dito sa Pinas.

Pero pagdating sa mga serbisyo, BULOK.

Sonabagan!!!

081614 MRT MMDA

Noong una ay ayaw nating paniwalaan ang tsismis na sinasadya ang aberya para nga raw mapilitang bumili ng bagong bagon ang gobyerno na dapat sana ay kargo ng pribadong kompanya na namamahala sa operasyon ng MRT.

E paano nga kung laging nasisira at nagkakaaberya, ano ang gagawin n’yo?

Bumigay sa gusto ng pribadong kompanya?!

Hindi ba blackmail ‘yan?!

Luging-lugi na ang sambayanang Pinoy sa inyo!

Hindi mo ba maramdaman DoTC Sec. Pabaya ‘este Abaya!?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

 

 

 

 

 

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top