Wednesday , April 24 2024

Valenzuela councilor walang respeto sa senior citizen

00 Bulabugin jerry yap jsySA ibang lungsod, napakataas ng pagpapahalaga sa kanilang mga senior citizen, eleksiyon man o hindi.

Sa katunayan, mayroon ilang super-buraot na politiko na grabe ang kagaspangan ng ugali pero kapag nakaharap sa senior citizen ‘e nagmumukhang anghel sa kabaitan.

Pero itong isang konsehal ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian ay walang habas daw kung mambastos ng senior citizen. Parang walang magulang!?

Aba’y mantakin ninyong pumunta pa sa microphone para lang sigawan at ipahiya ang isang lola.

Nangyari umano ito nitong nakaraang Lunes sa session hall habang idinaraos ang Elders’ Week.

Noong una ay nakikipagkwentohan pa ‘yung Konsehal sa mga senior citizen, mga estudyante, ilang pulis at iba pang konsehal.

E bigla yatang nakapagkomentaryo ‘yung lola ng: “Hala yari kayo!”

Sukat ba namang sinigawan ‘yung matanda at hindi pa nakontento, humawak pa ng microphone para sigaw-sigawan ‘yung senior citizen.

Inawat na ng mga kapwa-konsehal dahil ang dami ngang nakatingin at naeeskandalo na sila pero sige pa rin ‘yung arogante at bastos na konsehal.

Aba, Valenzuela Councilor, maghinay-hinay ka.

Tuwing kampanya at eleksiyon ‘e pagkabait-bait ninyo sa mga botante. Kulang na lang e himurin ninyo ang p’wet ng constituents ninyo, pero kapag nakaupo na kayo daig pa ninyo ang mga diyos-diyosan.

Konsehal Marlon Alejandrino, ikaw ba ang nakatalaga para sa mga senior citizen ng Valenzuela? Imbestigahan mo nga ‘yang insidente na ‘yan!

By the way, ipinagmamalaki umano ng bastos na konsehal ang showbiz scribe na si Cristy Fermin kaya wala raw siyang kinatatakutan.

What the fact!?

E ano ngayon kung kaibigan mo ‘yan!?

Nagyabang pa na kahit huwag na raw siyang iboto sa susunod na eleksiyon.

O narinig mo ba ‘yun Konsehal Marlon Alejandrino?!

Kastigohin mo ang palalong konsehal ng Valenzuela City!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *