Thursday , April 18 2024

Humoldap sa call center agent arestado

 

BIGONG makatakas ang isang holdaper nang bumangga ang sinasakyan motorsiklo pagkatapos holdapin ang isang call center agent sa San Andres Bukid, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nabawi mula sa suspek na si Rodolfo Veros, 28, trike driver, ng 1661 Estrada St., San Andres Bukid, Maynila, ang hinablot na bag ng biktimang si Rio Rita Bayani, 33, ng Blk.1, Agua Marina St., San Andres Bukid, Maynila. Ayon kay Supt. Fernando Opelanio, commander ng Manila Police District-Police Station 6 (MPD-PS6), naganap ang insidente dakong 9:30 p.m. sa kahabaan ng Onyx St., kanto ng Jade St., San Andres Bukid.

Nag-aabang ng taxi sa center island ng Onyx St., ang biktima nang tapatan ng suspek na sakay ng pulang Suzuki motorcycle may plakang ‘for registration’ saka tinutukan ng patalim at kinuha ang bag na kinalalagyan ng Sony Experia, P24,000; pocket wifi, P2,500; mga susi at P580 cash.

(LEONARDO Basilio)

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Department of Agriculture

Para sa seguridad sa pagkain
PH GOV’T DAPAT MAGPONDO SA MODERNISASYON NG AGRI

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na mamuhunan sa modernisasyon ng agrikultura at pagpapaunlad …

marijuana

P.6-M tsongki nasamsam sa Bulacan

TINATAYANG aabot sa P602,400 halaga ng high-grade marijuana o tsongki at cannabis oil ang nasamsam …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *