Thursday , April 25 2024

‘Demolition job’ binigo ng QCPD AnCar chief

DESPERADONG makalusot  sa kinasasangkutan na mga kasong carnapping at pagbebenta ng chop-chop vehicles, inakusahan ng mag-amo ang walong kagawad ng Quezon City Police District (QCPD) na dumakip sa kanila noong nakalipas na Enero.

Ito ang nakasaad sa isinumiteng report ni QCPD Anti-Carnapping Section chief Senior Inspector Rolando Lorenzo, Jr., kay QCPD Director, Chief Supt. Richard Albano, matapos iulat ng programang TV Patrol nitong Biyernes ang reklamo na hinulidap umano niya at ng kanyang pitong tauhan ang mga suspect sa carnapping case at anti-fencing law na sina Dandy Salumbides Vizcarra a.k.a. Aries at Honie Venus Fernandez a.k.a. Juno.

Ani Lorenzo, dinakip ng kanyang grupo si Aries noong Enero 31 (2014) sa isang entrapment operation, habang ilegal na nagbebenta ng spare parts ng sasakyan sa Banawe St., Quezon City  at itinuro ang kanyang among si Juno bilang may-ari ng garahe sa Las Piñas City.

Sa nasabing garahe mayroon limang sasakyan na hinihinalang ‘kinarne na’ ang spare parts, maging ang isang Mitsubishi Montero na kinarnap sa biktimang si Analyn Santos sa tabi ng Heritage Hotel sa Roxas Blvd., Pasay City noong Enero 26.

Dahil dito, sinampahan ng QCPD-ANCAR section ng mga kasong carnapping at paglabag sa Anti-Fencing Law, falsification of public documents at obstruction of justice.

Nabatid na si Juno ay may nakabinbing warrant of arrest mula Mayo 15 sa mga kasong carnapping sa Branch 197 Las Piñas Regional Trial Court at Manila Regional Trial Court Branch 34 at para sa apat na kaso ng estafa sa Pasay City Regional Trial Court sa Pasay City.

Pinabulaanan din ni Lorenzo ang bintang ng mag-amo na tinangka nilang mangikil ng P400,000 kapalit ng paglaya ni Aries dahil kasama niya ang kanyang abogado nang humarap sa mga pulis.

Wala rin medical certificate na magpapatunay sa alegasyon ni Aries na tinortyur siya habang nasa kustodiya ng mga pulis.

“The fact that the legitimate operation on issue was done eight (8) months ago and it is only now that they are talking about it in the media, is a clear manifestation that the claims and allegations are merely reprisals from a confirmed carnapping element and also a desperate attempt to discredit this office that exposed their illicit activities and to extricate themselves from prosecution of the crimes they are perpetrating,” ani Lorenzo. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

042424 Hataw Frontpage

Nagprotesta laban sa PUV modernization program
MANIBELA INASUNTO NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN  SINAMPAHAN ng sandamakmak na kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang …

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *