Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Direk Erik, walang karapatang murahin si Lovi

Direk Erik, walang karapatang murahin si Lovi

090714 Erik Matti  lovi poe

 ni Vir Gonzales

NAKADEDESMAYA, hindi lang natuloy pumayag si Lovi Poe sa inaalok ni Direk Erik Matti, nauwi pa sa pagbibitiw ng salita na masakit sa dalaga. At nabansagan pang starlet sa kabila ng maraming pelikulang ginawa.

READ MORE:  Female personality, ipinagkakalat na beki ang ka-tandem

Sana kaunting hinahon din ang nararapat kay Direk Erik. Masakit pakinggan o masabihan niya ng starlet. Kawawa naman ang mga artista, lalo’t nasa mataas na position ang nagsasalita.

Sabi nga ng iba, kung ‘yong presyong sinabi ni Lovi ay gayun kalaki, huwag na lang kunin, dahil marami namang available para tanggapin ang alok.

READ MORE:  Andi, nae-enjoy ang pagiging ordinaryong mamamayan ng Baler at Siargao

May nagkomento pa na kung nabubuhay ang action king na si FPJ, hindi puwedeng murahin ng ganito si Lovi. Tiyak magbo-boomerang ang mga salitang ipinukol kay Lovi. Nakasama namin si Lovi noong araw, sa mga out of town fiesta, at napakabait niya. Hindi bagay ang mga salitang ibinato sa kanya.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved