Thursday , April 18 2024

Bigtime Immigration fixer busisiin sa mga nakalulusot na ‘Shabu chemist at dealers’ (Paging: PDEA)

00 Bulabugin jerry yap jsyNgayon natin gustong lubos na ipaunawa sa ating mga suking mambabasa at sa mga awtoridad kung bakit ayaw nating tantatanan ang mga bigtime Immigration fixer na sina alias Betty Chiuhuahua ay Annie Sey …

Conciously or unconciously, dahil sa kanilang raket na pagpapalusot ng mga Chinese nationals kahit walang kaukulang papeles at pag-aayos ng kanilang visa, ay dahil sa sandamakmak na shabu Chinese chemist at dealers ang naririto ngayon sa bansa.

Pansinin ninyo kung gaano karami ang natitimbog ngayon na mga Chinese nationals na pinaniniwalaang mga Chinese chemist na gumagawa ng shabu sa bansa.

Kaya tayo po ay palaging nananawagan kay BI Commissioner Siegfred Mison, pakibusisi po ang tila paghahari-harian na naman nina Betty Chiuhuahua at Annie Sey sa Bureau of Immigration dahil malaya na naman nilang nagagawa ang kanilang transaksiyones sa pakikipagsabwatan sa isang ‘Nanny o Inang’ ng isang BI offical.

Hindi lingid sa kaalaman ng mga taga-Bureau na pawang kwestionableng Chinese national ang kliyente ng dalawang notorious na Immigration fixer.

Aabangan po namin ang aksyon ninyo laban d’yan, Commissioner Fred Mison!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *