Monday , December 10 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sharon, nakahinga na nang maluwag nang umalis sa TV5

Sharon, nakahinga na nang maluwag nang umalis sa TV5

090114 sharon

 ni Vir Gonzales

DAHAN-DAHAN makakawala na sa kanyang nararamdamang depression si MegaStar Sharon Cuneta.

Malaking bagay kasi ang pag-iisip niya noon, kung kakalas ba sa kanyang kontrata sa TV5 na tatagal pa ng dalawang taon. Napakahirap kasing magdesisyon lalo’t ganito kabigat ang pagpipilian kung ano bang nararapat gawin.

READ MORE:  Julia, simpleng eksena ‘di makuha kaya taping nagtatagal

Ngayong malaya na si MegaStar, maaasahang makaka-move-on na sa mga dapat gawin!

Naiisip marahil ni Mega, ano bang halaga ng malaking pera na ibabayad ng Kapatid Network kung wala namang project na dumarating.

Malaking problema rin niya ang pagtaba. At hindi naman siya lamang biktima nito. Ilan sa mga kababaihan, pagdating ng age of 40,  mayroong lumalaki ang sukat ng katawan.

READ MORE:  SONA ni Duterte, ididirehe pa rin ni Brillante Mendoza

Halimbawa nga si Regine  Velasquez, na halatang lomolobo na rin ang figure. Maganang kumain din, isang dahilan ng pagbabagong hugis ng pigura.

Ang problema lamang kay Mega, nasa daigdig ng showbiz at isang malaking kasalanan, kapag pababayaang tumaba. Madalinh magpataba pero mahirap magpapayat.

READ MORE:  Sikat na aktres, nangutang para ibigay sa dyowa

Mabuti na lamang, dinalaw siya ni KC Concepcion at nagkausap bilang mag-nanay. Nag-bonding kumbaga.

As of now malaya na si Sharon. Wala na siyang kinatataliang kompanya. Makakapagdesisyon na siya kung saan gugustuhin.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved