KARANGALAN para kay Pangulong Benigno Aquino III ang maging ‘best man’ sa kasal nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista sa susunod na taon.
“Now, as to being best man, ano. Siyempre, I’m honored, but also I’m relieved that I wasn’t made ninong, ‘di ba,” sabi ni Pangulong Benigno Aquino III sa media interview sa SMX Convention sa SM Davao City.
Base aniya sa kasabihan ay hindi wasto na maging ninong sa kasal ang isang soltero dahil hindi na siya makapag-aasawa kaya ikinatuwa niya na hindi siya kinuhang ninong nina Chiz at Heart.
“‘Hope springs eternal’ and there’s a… We have a belief that single people who become godparents do not get—will remain single for the rest of their lives. So to avoid that possibility, in case that exists, I said that I was even willing to become, ano, secondary sponsor,” anang Pangulo.
Hindi na rin mabilang ng Pangulo kung ilang beses na siya naging best man sa mga kasalan.
“Alam mo may mga bagay na hindi na binibilang e. Baka… Natapos na ako roon sa pagtatanong na ‘ito na lang ba ang papel ko rito lagi?” sabi niya.
Sa edad na 54-anyos, soltero pa rin si Pangulong Aquino.
Samantala, kinompirma rin ng Pangulo na imbitado rin siya sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera , ngunit bilang panauhin lang.
(ROSE NOVENARIO)