Saturday , April 20 2024

‘Mangkukulam’ na lola sinilaban ng kapitbahay

LEGAZPI CITY – Kritikal ang kalagayan sa ospital ng isang 62-anyos lola makaraan sabuyan ng gasolina at silaban ng kanyang kapitbahay sa lalawigan ng Catanduanes kamakalawa.

Napag-alaman, pinaghinalaan ng suspek na si Marjal Pacay, 39, na mangkukulam ang biktimang kinilalang si Merly Tioxon, kapwa residente ng Salvacion St., Brgy. Canlubi, sa bayan ng Virac.

Naglalakad ang biktima sa daan nang bigla siyang salubungin ng suspek saka sinabuyan ng gasolina sa mukha at sinilaban. Ang biktima ay dumanas ng 3rd degree burn sa mukha at katawan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na galit ang suspek sa biktima dahil ang matanda sinisisi sa pagkamatay ng kanyang kapatid na hinihinalang kinulam.

Patuloy na pinagha-hanap ng mga awtoridad ang suspek na agad tumakas makaraan ang insidente. (BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *