MARIING tinutulan ng prosekusyon ang hirit ni Atty. Gigi Reyes na makapagpasok ng laptop, wifi at printer sa loob ng piitan sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.
Sa pagdinig sa Sandiganbayan Third Division, iginiit ng prosekusyon na hindi kailangan ng akusado ang mga hinihingi niya sa loob ng piitan.
Bukod dito, dapat din anilang bigyan ng laptop ang lahat ng nakadetine kung pagbibigyan ang kapwa preso.
Habang sinabi ng abogado ni Reyes na si Atty. Luis Carlo Tagarda, kailangan ng ginang ng naturang kagamitan para mapabilis ang paghahanda sa kanyang depensa.
May tatlong araw ang depensa upang magkomento sa oposisyon ng prosekusyon.