Friday , April 19 2024

6 bagets na holdaper tugisin (Apela ng PNA reporter sa pulisya)

NANAWAGAN sa pamunuan ng Pasay City Police ang reporter ng Philippine News Agency (PNA) para sa mabilisan paghuli sa anim kabataang lalaki na sumaksak at tumangay ng kanyang cellphone sa harap ng kanilang bahay sa Pasay City kamakalawa.

Nasa mabuti nang kalagayan ang reporter na si Ferdinand “Bong” Patinio, 43, makaraan masaksak sa hita at braso ng isa sa anim kabataang lalaki at kinuha ang kanyang i-Phone 5s na nagkakahalaga ng P43,000.

Sa mensaheng ipinadala sa text ni Patinio, humihingi siya sa pamunuan ng Pasay City Police ng tulong sa hepe ng pulisya na si S/Supt. Melchor Reyes para sa agarang paghuli sa mga suspek dahil makapambibiktima pa sila ng iba.

Sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente dakong 12:30 a.m. nitong Linggo sa harap ng bahay ni Patinio sa 619 EDSA, panulukan ng Cabrera St., sa nasabing lungsod. (J. GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Department of Agriculture

Para sa seguridad sa pagkain
PH GOV’T DAPAT MAGPONDO SA MODERNISASYON NG AGRI

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na mamuhunan sa modernisasyon ng agrikultura at pagpapaunlad …

marijuana

P.6-M tsongki nasamsam sa Bulacan

TINATAYANG aabot sa P602,400 halaga ng high-grade marijuana o tsongki at cannabis oil ang nasamsam …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *