Thursday , April 25 2024

Baha pumasok sa bintana

00 Panaginip

Dear Señor H,

Panaginip ko po na pumasok ang baha. Ang lakas ng agus ng baha. Sa bintana na maliit pumasok po. Ano po ibig sabihin yun. (09309887373)

To 09309887373,

Kapag nanaginip ng baha, ito ay may kaugnayan sa pag-release ng sexual desires. Maaari rin namang may kaugnayan ito sa emotional issues at tension. Ang iyong nakuyom o sinariling  damdamin ay may malaking epekto sa iyo na labis na nagdudulot sa iyo ng pagkabagabag. Alamin kung saan o paano nagkaroon ng baha, na sa estadong ikaw ay gising ay nagdudulot sa iyo ng stress at tension. Alternatively, maaari rin namang paalala ito sa iyo na baka ikaw ang nagbibigay ng pagkabagabag sa iba dahil sa iyong pagiging demanding, katarayan, at pagiging matigas ang ulo. Sa kabilang banda, posible rin namang nagpapakita ang panaginip mo ng hinggil sa spiritual change o reawakening. Maaari rin naman na may kaugnayan ang panaginip mo sa pinagdadaanang problema sa kasalukuyan, kaya dapat kang maging matatag sa mga pagsubok at huwag mawawalan ng pananalig sa Diyos.

Sa kabilang banda, posible rin naman na ang panaginip mo sa baha ay may kaugnayan sa mga nararanasang pagbaha ngayon dito sa ating bansa bunsod ng pagpasok ng panahon ng tag-ulan. Madalas mo itong nararanasan ngayon at nag-manifest lang ito sa iyong bungang-tulog.

Ang bintana naman sa panaginip ay ay may kaugnayan sa bright hopes, vast possibilities and insight. Maaaring may kaugnayan din ito sa outlook sa buhay, pati na ang ukol sa intuition and awareness. Posibleng hinggil din ang ganitong bungang-tulog sa hinahanap na mahalagang desisyon o soul searching.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

init Lamig Hi Temp Cold Water

Malamig na tubig hindi ipinapayong inumin sa gitna ng matinding init

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, HANGGANG ngayon po …

Krystall Herbal Oil

Makating butlig sa anit, natuyot at gumaling  sa Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong          Magandang araw po sa inyong lahat.          Ako po …

Puregold GRFSB

Puregold may pasilip sa isang “panalo collab” katambal ang pinakamalaking music artists

MALAKAS ang bulong-bulungan na magkakaroon ng kolaborasyon ang Puregold sa pinakamalalaking  pangalan sa lokal na industriya ng musika. Totoo …

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

SM scholar 1

Pursuing education despite the odds
These SM scholar alumi are now steps closer to their dreams

Queenie Alfonso (left) and Prince Mangahas (right) join the SM Scholars’ general assembly at SM …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *