Saturday , April 20 2024

NLex, humahataw na!

082914 nash alexa

ni ROLDAN CASTRO

HUMAHATAW na ang love team na produkto ng Luv U. Ito’y ang ‘NLex’ nina Nash Aguas at Alexa Ilacad.

Ayon sa survey, pumapangatlo  ang tambalan nila sa mga teen na popular, una na rito ang KathNiel at sinundan ng JaDine.

Aminado naman ang NLex na nasa stage sila na crush ang isa’t isa pero nandiyan ang parents nila para i-guide sila.Kung sabagay,Goin’ Bulilit days pa ay tinutukso na ang dalawa.

Anyway, ngayong Linggo ay mapapanood sa Luv  U ang The Other Captain Wonder. Guest  ang ex-housemate na si  Manolo Pedrosa bilang Jasper. Anak  siya ng may-ari ng supplier ng pastries ng coffee shop. Ano ang magiging koneksiyon nito kay Camille (Miles Ocampo)?

Samantala, duda na si Shirley (Sharlene San Pedro) kay Drake (Jairus Aquino) na ito si Captain Wonder kaya naisip nitong bukingin. Nalaman ito ni Drake, ano ang paraang gagawin niya para makalusot?

Anyway,bukod sa Luv U’ humahataw ang comedy unit ng ABS-CBN 2. Sa buong buwan ng Agosto nasa top 7 ang HomeSweetie Home (20.7%) sa average national TV rating at nasa top 11 ang Goin’ Bulilit’(18.7%) base sa  datos ng Kantar Media.

Bongga!

About hataw tabloid

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *