Thursday , April 25 2024

Kabesa todas sa killer-tandem (Tinaniman ng bala sa ulo habang pula ang traffic light)

090114_FRONT

TODAS ang Barangay Chairman nang barilin sa ulo ng riding-in tandem habang sakay ng kanyang DMax sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Rodrigo Cruz ng District 3, residente ng 2636 Severino St., Sta Cruz, Maynila sanhi ng isang tama ng bala sa tagiliran ng ulo.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Charles John Duran, ng Manila Police District – Homicide Section (MPD-HS), dakong 11:50 p.m. nang naganap ang insidente sa panulukan ng A.H. Lacson at Dapitan streets, sa Sampaloc.

Nakaupo sa tabi ng driver ng kanyang Isuzu DMax (ZEG 123) ang biktima nang tabihan ng dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo habang nakahimpil dahil sa red traffic light.

Bukod sa driver na si Danilo dela Cruz, 47, kasama sa sasakyan ng biktima ang isang kaibigan na si Norelito Taruca, 50, pero si Cruz ang tanging tinarget ng killer tandem.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad insidente upang tukuyin ang motibo at posibleng (mga) suspek sa pagpatay.

ni LEONARD BASILIO

About hataw tabloid

Check Also

042424 Hataw Frontpage

Nagprotesta laban sa PUV modernization program
MANIBELA INASUNTO NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN  SINAMPAHAN ng sandamakmak na kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang …

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *